Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

LEGAL PO BA ANG NAGING KASAL NAMIN? PLS HELP!!!

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

redlady15


Arresto Menor

Ako po ay ikinasal ng civil noong Oct 28, 2014, s harap ng aking pamilya at mga kamag anak, Naikasal kami ng isang rev. N malapit s lugar ng caloocan city hall Naalala ko po ng magplano kmi magpakasal ng pumunta kmi doon Pinapirma kmi ng Marriage Application Form, Hiningi ang aming Birth certificate nming mag asawa At nung tinanong ko na kung kailangan p po b ng Cenomar sbi nya po hndi na ksi matatagalan lng dw at saka May pipirmahan lng kmi n isang papel n nakanotaryo n nagpapatunay n kmi ay single at pwedeng ikasal, kaya nawala n po s isip ko at akoy panatag n hndi n kumuha p ng cenomar at isa pa nagtiwala din po ako sa asawa ko Naidaos n nga po ang kasal namin noong Oct 28,2014, at nakuha n rin po nmin sa Cal.city hall ang kopya ng aming marriage contract authenticated copy pero d p ito mismo galing sa Nso dahil 6 months p dw bago makuha iyon, nakaalis n din po ang asawa ko Papuntang saudi last Jan para magtrabaho, BGLA KO PO NAISIPAN NOONG FEB 12 2015 n magrequest ng CENOMAR ONLINE sa e-census para cguraduhin lang na single nga ang asawa ko Lumabas ang resulta last Tuesday, Feb 17, Nagulat ako sa Nakita ko na May Unang pinakasalan pala ang asawa ko Last MAY 30,2007 sa Antipolo, at ako nga ang Pangalawa noong Oct 28, 2014 s Caloocan lumalabas na 2 kaming asawa Sad Cnabi ko un sa asawa ko at naging dahilan nga ng aming pag aaway pero pinatawad ko n din po sya Dahil ang sabi nya Wala n dw bisa ang kasal n un Dahil ang Babae n un n una nyang pinakasalan ay Bigla nlng syang iniwan nung ipinagbubuntis p nya ang kanilang anak noong 2007 din makaraana ang ilang bwan nilang kasal at cmula nun n ito nagpakita at pinasabi nlng s magulang nito na malaya n dw ang asawa ko na mag asawa n ulit dahil meron n din syang ibang pamilya s iloilo ata ito ay pinatunayan nmn ng mga kamag anak ng asawa ko Kaya mag 8 yrs n din po ang lumipas n wala n clang communication, ANG TANONG KO PO ATTY, TAMA PO BA NA NAGPAKASAL N MULI ANG ASAWA KO? LEGAL PO B ANG NAGING KASAL NAMIN LAST OCT28 2014? Dahil lumabas nmn sa Census anf resulta ng kasal nmin kht panga 2 po aq nkalista? Consider as dead n po b ang spouse pag more than 4 yrs n umalis at walang paalam at pede n sy mgpakasal ulit? Sana po matulungan nyo ko. Salamat po

karl rove

karl rove
Reclusion Perpetua

ikinalulungkot kong sabihin sa iyo na hindi legal ang inyong kasal sa kadahilanan na ang iyong naging asawa ay kasal pa sa una niyang asawa nung kayo ay ikinasal at naging pangalawa ka niyang asawa. Hindi sapat na dahilan na walong taon na silang walang kumunikasyon kung gustong palabasin ng iyong asawa na dahil matagal ng panahon na wala silang naging kuminikasyon hindi ito sapat na kadahilanan na siya ay magpakasal sa ikalawang pagkakataon.

Ang ginawa sana ng iyong asawa ay ipinawalang bisa muna niya ang kanyang unang kasal bago siya nagpakasal sa iyo para walang problema ang inyong pagpapakasal.

sana ay natugunan ko ang iyong katanungan.

salamat
Atty Karl Rove

redlady15


Arresto Menor

Salamat po sa tugin nyo Atty Karl Rove, pero may isa pa po ako katanungan sana masagot nyo ulit, Ung makukuha ko po bng Marriage Certificate sa Census pag ako ay nagrequest na ay Valid nmn po db? Tapos kung sakaling magpapakasal kami ulit at naayos n ang annulment ny sa una,Pano po un Ang record ko po s census ay madodoble dahil ngpakasal nko last oct 28 2014? SALAMAT PO SANA AY MASAGOT NYO ULIT ANG KATANUNGAN KO.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum