ito po ung detalye kung paano nangyari ang bagay na ito.
Noong nasa college pa kami, third year ako noon siya fourth year, pinasyal ko siya sa Alabang, tas pagdating namin doon sa FillenVest Mall sa Alabang bigla siyang umiiyak at tinanong ko siya kung bakit. Tas ang sabi niya, naalala niya daw ang kahayupan na ginawa sa kanya ng Indian. Sabi ko, may nangyari ba sa inyo, sabi niya wala naman daw, binastos lang daw siya nang indian noong sinama siya sa FillenVest sa Alabang. Tapos daw, hiyang-hiya daw siya sa ginawa nang Indian dahil po daw habang sila naglalakad, ibinag-id-bag-id daw nang Indian ung matigas na ari niya sa likod niya. Kaya daw, di niya makalilimuntan ung bagay na iyon. Ako naman habang nakikinig sa sinasabi niya, parang ako na turned-off sa kanya...pero dahil mahal ko siya, binaliwala ko nalang ang nangyari. Tas, dumating ung time na pinakasalan ko siya after my graduation sa College. Lagi niya iniiyakan ung ginagawa nang Indian sa kanya. (Ung Indian po ay graduate student nang school na pinapasukan namin. Pero noong time na magsyota na kami nang wife ko, wala na siya doon sa campus...umuwi na daw sa india ang sabi nang wife ko).
Tapos banggit niya pa sa akin na gusto niya gumanti...ang sabi ko naman sa kanya, tutulungan kita dahil may kamag-anak ako na politician sa congreso, magpatulong ako na mahuli ung gago na iyon..pero ang sabi niya sa akin, hwag na. Ang di ko lang maintindihan Atty., panay iyak nang iyak siya sa harapan ko sa tuwing maalala niya ung ginagawa nang gagong indian sa kanya. Kaya naka-conclude ako na may nangyari nga sa kanila. Nasabi ko po ito dahil noong unang gabi na nakuha ko siya, ang dami niyang alibi ..tas ang bilis lang pumasok nang ari ko sa loob nang ari niya at pilit niya ako pina-niwala na ako lang daw ang naka-una sa kanya.
Tas, dumating pa ang time kung sino-sinong lalaki ang binabanggit niya sa akin at labis ako nasaktan, kaya iyon ung time nanlamig na ako sa kanya.
Tas, dumating ang time, nagmasteral siya at sinabi niya sa akin na gusto niya daw ang professor niya...kaya ang ginawa ko dahil ako ang incharge sa Academic seminar ng school kung saan pareho kami nagtrabaho, pina-invited ko sa kanya ang professor na iyon at sa awa nang Dios, gi grant naman ng professor niya ung invitation ko na maging isa sa mga speakers sa seminar at doon ko siya kina-usap. nagpakilala ako na ako ang asawa ng student niya. Biglang namula ang mukha niya at mula noon nagstop ang communication nila.
Pero ang wife ko, banggit nang banggit parin siya sa akin about sa professor na iyon, kaya nasuntukan ko siya...hanggang dumating ang time na nagplano siya na mag-abroad sa thailand dahil Librarian po ang natapos niyang kurso noong college. Pinayagan ko po naman siya kahit maliit pa ang dalawang anak namin,dahil nga po nanlamig na ako sa kanya.
Tas, noong nasa thailand na siya, gi searched ko ang lahat na email accounts niya sa net at nabigla ako sa nakita at nabasa ko...mayroon pa silang communication sa Indian na lagi niyang ini-iyakan. Labis akong nasaktan...lalo ang communication nila masyadong sweet...tas tinanong ko ang wife ko bakit di niya sinabi sa akin na may-ugnayan pa pala siya sa Indian na iyon...ang sabi niya sa akin, gusto niya lang gumanti at kwartahan ang Indian na iyon.
Sinabihan ko siya, sa tingin mo kaya papayag ang Indian na iyon na perahan mo siya na walang kapalit? Sa tingin mo sa kanya ay tanga? Sinabihan ko ang wife ko na i-cut off na niya ung communication nila sa isa't -isa. ang sabi niya sa akin...oo pero everytime na mag-away kami, lagi niya binabanggit sa akin na alam daw nang Indian na nag-away kami.
Tas, nang nasa thailand na siya, sinabi niya sa akin na gi-bugaw daw siya nang principal niya sa kaibigan nito. Tas, nang umuwi siya dito sa pinas, noong nagtalik kami...iyak siya nang iyak na parang na-konsinsya at tinatanong ko siya bakit ka umiiyak ang sabi niya may naalala lang daw siya.
Marami na akong napansin sa kanya na parang hindi na siya dating asawa ko. Kung makadamit parang prostitute na. tapos nakita ko sa private parts niya nang huli siyang umuwi galing sa thailand, may tumubo na bukol sa ari niya at dumodugo.
Tapos gi searched ko sa internet ung mga symptoms ng syphyllis at nakita ko, pareho ang bukol sa ari niya doon sa picture doon sa tao na may syphyllis.
Kahit ako rin, after 2 weeks may tumobo rin sa labi ko na bukol after ako nakipagtalik sa kanya...kaya nagalit ako sa kanya...at namurahan ko siya..
Tas noong umatend siya nang 3 days seminar sa Bacolod last year...pagdating niya nang bahay ganun din ang nakita ko sa ari niya may tumubo na bukol at dumudugo.
Atty., Everytime, after ko po makipag sex sa kanya...kumakati ang ari ko.
ilang beses ko rin siya na obserbahan na lagi nag reklamo na masakit daw ang katawan niya lalo na ang breasts niya...tapos bagsak na bagsak siya sa higaan na hindi ko naman siya ginamit.
Atty. ito po ang mga tanong ko:
1. may 100 percent assurance po ba na ma-annull ang kasal namin kung iyan ang gawin kong dahilan na maghiwalay kami?
Toxic na kc ang pagsasama namin, ang pagka-intindi ko sa ginagaw niya sa akin gusto niya ako i mentally and emotional torture.
Balak ko po sana magfile nang legal separation pero sa nakita ko sa kanya na nagpapagamit sa ibang lalaki...na felt ko na hindi siya deserving magdala pa nang surname ko, kaya gusto ko nalang po ipa-annull ang kasal namin.
2. kung ma-annull po ung kasal namin, may possibility po kaya na mapunta sa akin ang mga bata?
3. Magkano kaya po ang magastos ko sa annullment?
4. At gaano ka tagal ma-annull ang isang kasal?
Atty., Kahit siya po, gusto niya talaga na maghiwalay nalang kami na hindi na daw kailangan nang legal na paraan at lagi niya ako tinutulak na maghanap nalang nang iba. Sabi niya pa akin, kahit bigyan niya pa ako nang isang daan na babae....
Atty., gusto ko na po talaga na kumalas sa kanya kaso lang, gusto ko idaan sa legal na paraan dahil po kc guidance counselor ang profession ko at ayaw ko na masira ang profession ko sa walang kwenta kong asawa.
Hoping of your immediate positive response!
Respectfully yours,
Sugo
Last edited by sugo on Sat May 25, 2013 10:35 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : wrong choice of words)