Nais ko pong ihingi ng payo ang kasalukuyang situation ng aking kapatid na babae. Nagkaron po sya ng anak sa isang may asawa na , na nakilala niya habang sya ay nagtatrabaho don at nagkaroon sila ng isang anak na babae na ngayon eh tatlong taong gulang, Dahil sa nagkahigpitan sa bansang pinagtatrabahuhan nila at kailangang iuwi nila ang bata sa Pilipinas. Ang bata ay kasalukuyang nasa pangangalaga namin. Ang ama ng bata eh pinipilit na sa kanyang kapatid na babae maiwan ang pangangalaga. Ang aking kapatid eh mas panatag na sa amin iiwan ang bata . Ayaw niya sa kapatid ng asawa niya,. May history kasi na naiwan dati sa pangangalaga ng kapatid niya ang bata at nagkaroon ng sakit. Gusto ng kapatid ko na bilang ina eh gusto niyang sa side naming maiwan lalo pat babae yong anak nya. Kasalukuyang hinaharass niya ang kapatid ko sa ibang bansa, Pilit na ipinabibigay ang bata sa kapatid niya na di nila pinagkasunduan. MgA banta na natatanggap ang kapatid ko, na putulin ang pagbabayad sa bahay na kinuha niya para sa kapatid ko at kung ano anon are-received ng kapatid ko. Pareho po silang nag tatrabaho sa ibang bansa, Ang aking kapatid eh di naman makapag resign sa trabaho dahil hindi sila kasal ng lalaki, at anut anuman ang mangyari , kung maghiwalay sila eh kaya niyan suportahan ang nag iisa nyang anak. Nagbabanta po ang asawa niya na once na ma itourist ang bata at iuwi ng Pilipinas, sa ayaw at gusto ng kapatid ko, iuuwi niya ang bata sa kapatid ng asawa niya sa Nueva Ecija. Nangangamba ang kapatid ko , bilang ina na baka hindi na niya makita ang anak. Dahil sa palagay niya, yong anak lang niya ang gusto dahil sa hindi na maganda ang pagsasamahan nila/
Tanong ko po, sa gantong situation, may karapatan ba ang lalaki na mag decide kung san nya iiwan ang bata sa Pilipinas? Dapat po bang sa side ng pamilya ng ina maiwan ang bata. May kapasidad naman kami mangalaga ng anak nya.\
Sana po masagot nino kami, ako ay nag wo-worry sa situation ng kapatid ko sa ibang bansa, pati kami ay nangangamba sa action na gagawin ng lalaki.