Ako po ay kasal ng halos labintatlong taon na. Kami po ay ikinasal noong Dec. 18, 1999 (araw ng sabado), at sa bahay po namin ginanap ang kasalan. Wala po kaming marriage license dahil ung ninang po namin sa kasal ang lumakad ng kasal namin. Sya po ang nagdala ng Solemnizing officer (isa pong marriage counsellor) sa bahay namin at doon na naganap ang aming kasal. Gusto ko pong malaman kung walang bisa ang kasal namin. Meron po kaming marriage certificate galing NSO. Kaso ung ibang detalye kasi sa certificate ay sa CALOOCAN CITY naganap ang kasal samantalang sa Taguig ito naganap. Yung petsa ng kasal ay Dec. 20, 1999 samantalang Dec. 18 po ito nangyari. Yun pong place of marriage ay United Council of Christian Churches Inc., Caloocan City. Gusto ko mpong malaman kung saan kami kasal, sa simbahan po ba o sa huwes?
Kami naman pong mag asawa ay 28 at 29 yrs. old na noon. Pareho po kaming katoliko, pareho po kaming single (kaso ako po ay may isang anak sa pagka dalaga). Ang asawa ko po ay ni-ligitimate na ang anak ko bilang anak nya at mayroon na pong bagong birth. cert galing NSO ang anak ko na nagsasaad na legitimated na sya ng asawa ko.kung mapapawalang bisa ang kasal namin mapapawalang bisa na rin po ba agad nang legitimation nya sa anak ko? O kelangan pa po ba ng separate filing ng kaso? Sana po ay matulungan nyo ako tungkol dito. More power po sa inyo.