Simula nung nabuntis ako back in 2003 at kinasal sa lalaking ama ng anak ko,naging malaking factor na nang away naming mag asawa ang Nanay nya (mother-in-law) minsan narin na ito ang pinag ugatan ng hiwalayan namin noong 2006.Ang ex ko po ay isang mama's boy at 18yrs old lang kami pareho nung magkaanak kami. Palagi po naka dikta ang nanay nya sa amin lalo na sa anak nya. Sa pagdedesisyon palang palagi napo nakasawsaw ang nanay nya. At madalas din kase kumonsulta ang ex ko sa nanay nya tuwing may mga plano kami o desisyon. Madalas narin kami magkasagutan ng Mother-in-law ko na yun tuwing hindi ako sang ayon sa dinidikta nya sa ex ko. At ngayon nga pagdating naman sa financial support ay hindi na ako makakuha ng sapat sa ex ko. Ang mother-in-law ko kunsintidor pa kung bakit hindi daw nakakapagbigay ng sustento. Bumili ng 2nd hand car ang ex ko noong 2014 at nakabili ulit ng brand new car ngayong 2015.alam na nga ng pamilya ng ex ko na nagrereklamo nako sa sustento pero kinukunsinti pa at pinagtatakpan ang ex ko.Kinukuwestiyon pa ako ng mother-in-law ko kung bakit naliliitan daw ako sa 3,000 a month na sustento at maliit lang daw ang sweldo ng ex ko at madami daw bayarin.Nahihirapan napo ako na pakiramdam ko pinagtutulungan ako ng buong pamilya ng ex ko.Nagfile nako ng criminal case (non-support) at sa Aug ang 1st hearing.kahit may subpoena na ayaw parin magsustento ng tama at ako pa ang pinapagalitan ng mother-in-law ko sa panggigipit ko daw sa ex ko.Tanong ko pwede ko ba sampahan ng reklamo ang Mother-in-law ko?maturuan ko lang ng leksyon.Please paki tulungan ako at sobrang nanggagalaiti talaga ako sa mother-in-law ko dahil sa mahabang taon na pinagtiisan ko ang ginagawa nya sa akin