then halos 20 years na kaming nakatira dito and suddenly this year lang.. nag tayo yung isang religion ng chapel nila(di ko na sasabihin kung anong religion man yun), sa tabi mismo siya ng bahay namin.. dikit dikit ang mga bahay dito. uso ang duplex type and apartments.
pero sobrang ingay nila .. around 5AM nag stastart na sila mag vocalization and around 6AM napaka daming tao and sa hapon around 5PM nag dadatingan ulit ang 2nd batch ng magsasamba tyaka napaka rude nila dahil dito sila sa harap namin nag rerebulusyon ng mga motor minsan eh gumising pa kaming na sa harap namin yung garbage cans nila !!! WEW ..
nag papa-parking naman na kami sa harap ng bahay namin kasi nakikisama kami kaso every morning and evening around 6AM and 9PM tuwing may dadaan na maingay na motor. nag aalarm yung sasakyan. andun pa naman ang grand parents ko sa bandang harap ng bahay namin kasi dun yung room nila.. pinapapatay namin pero di nila magawa dahil ang reason nila is " na sa loob po ng kapilya ang may ari" . sobrang rude ng mga taga bantay nila.. and btw catholic ako pero neutral ako sa mga religion and all about sa ganyan..
so tanong ko po.. ok lang ba na mag tayo sila ng chapel dito sa lugar naming masikip , dikit dikit ang bahay at "residential" pero di sila nakikisama dahil umaga pa lang ang iingay na nila. parang di sila nag lagay ng noise cancellation between sa mga pader at firewall namin tyka sknila. and okay lang po bang magalit nga dun about sa INGAY na ginagawa nila kaht umaga or gabi na .
medyo natatakot din po kami gumawa ng issue kasi nga po malaking religion yung katabi namin baka ireklamo kami or may gawin na kung ano