Ako po ay namamasukan sa Caloocan. Sa ikinaganda po ng negosyo ng may-ari, nagpatayo siya ng mas malaking pabrika sa Cavite na ngayon ay operational na.
Nong kinausap kami ng may-ari ang sabi niya, hindi daw po magpapalit ng pangalan ang kompanya kaya ang mga hindi sasama, babayaran ng 13 days per year of service.
Ngayon po na nailipat na lahat ang mga makina sa Cavite at may mga inilipat na ring mga manggagawa pero hindi pa rin po nababayaran ang mga hindi sasama. At ang ikinagulat po namin ay iba na pala ang pangalan ng kompanya sa Cavite.
Ang aking mga katanungan po ay ganito.
1. Puwede po ba kaming ilipat sa Cavite kahit hindi pa naisasara ang kompanya dito sa Caloocan o wala pang notice of closure na ipinasa sa DOLE.
2. Kung sakali po bang babayaran kami na hindi pa sarado ang kompanya ay malalagay po ba sa kasong illegal termination o dismissal. Kung illegal termination po ba eh magkano ang makukuha namin bayad.
3. May karapatan po kaming tumanggi na ilipat sa Cavite pag kami ay inilipat dahil under Caloocan company employed at hindi sa Cavite comany.
Maraming salamat po at sana'y matugunan po ninyo ang aking mga katanungan. Mabuhay po kayo.