1. Yung lupa and building ng company binenta ng may ari, ngyon ung business sabi samin na tanggapin nyo ung 13 days separation pay per year of service dahil ililipat lang ng location ung business kasi mghahanap ng mauupahan, tanung ko lng po is until now ndi na po kame binalikan ng mngt. Ng companya dahil wala daw mhanap na relocation of business, pag ganun po ba, nagsampa kame ng case sa nlrc, na ngclaim pa po kame ng another half month for our separation pay dahil ngayon wla pa ring trabaho na maibabalik kame sa pangako nila. Tama po ba na dapat 1 month makuha naming separation pay?
2. Hindi rin po sila nakapag file ng closure sa dole, ngfile lang po sila ng closure sa munisipyo ng marikina, pero late din po, dahil nkatanggap po kame mg separation pay is sept 2, 2015, tas until nglipat po ng mga machines, inventory and raw mats sa sis company nya ang last day po namen sa company is oct. 29, 2015, late po ung file nila sa bir sa munisipyo ng marikina is dec. 7, 2015 inapproved po ng dec 14, 2015. Until now desisyon nlng po ung hinihintay namen sa arbiter ng nlrc, tanung ko lang po may laban po ba ung case na isinampa namen gawa ng parang niloko kame sa separtion pay? Tama po na n iclaim namen ung 1 month separation pay?
3. Nagsara ang companya gawa ng nabenta ang lupa at building marame kameng regular employees affected, and karamihan po samin matatanda na na dapat sana ibigay nila ung buong separation pay. May mga damages po ba kame na dapat makuha?
Sir sana po mabigyan nyo po kame ng advice regarding sa kaso namen, may laban po ba kame sa isinampa namen na case, until now wla pa po silang pinafule n closure sa dole.. Sana po matulungan nyo kame! Salamat po na marame!