may biniling lot ang nanay ko sa san jose GMA cavite mga 8years ago, naproseso po ang titulo mga 4years ago, ang naglakad po ng titulo ay ang kapatid ni mama dahil nasa ibang bansa po siya, ngayon nung umuwi po si mama last march10,2011 nakita niyang may nakatayo nang bahay sa kalahati ng lupa niya, nung tinanong po ni mama yung nakatira kung sino ang nagbenta sa kanila sabi ay ang kapatid po ni mama,nung tinanong po namin yung kapatid ni mama ang sabi po ay hindi daw po lupa ni mama yun,ang talagang lot area lang daw po kay mama ay 75sqm,which is hindi totoo dahil andun po ako nung pinapabakuran ng tita ko ang lupa at ayon sa nakabili ng lupa yung kapatid mismo ni mama ang nagbenta..
nagtataka po kami kung paano nakakuha ng titulo ang kapatid ni mama para maibenta niya ang kalahati ng lupa namin. nung binalikan po namin ang lupa pangalawang pagkakataon na kakausapin ang nakabili ng lupa, iba na po ang kwento niya,, ibang tao na daw po ang nagbenta sa kaniya at hindi na po ang kapatid ni mama, parang nabriefing na po ang nakabili..
nag aalala lang po kami baka ang ipinadalang titulo ng tiyahin ko kay mama ay peke at nasa kaniya ang tunay na titulo kaya niya naibenta, sobrang hirap po ng sitwasyon namin..
sana po ay marinig namin sa inyo ang tugon sa sitwasyon..
maraming salamat po..