Here is my story.. in tagalog/english..
10 yrs ago I was still in college, may Tita ako na kapatid ng nanay ko, madalas sya dito sa amin nuon, nakikitulog, nakikikain, at nakikitira, bestfriend pa ng bunsong kapatid ng tatay ko. Mag-aabroad kasi sya ng panahon na yun at nagtiwala sa akin na ipadala ang pera kesa sa sarili nyang asawa at pamilya. Nagbukas ako ng sarili kong bank account dahil nung time na yun nasa abroad na sya. Tuwing magpapadala sya sa lola ko, kukunin lang para panggastos nila at yung natitira ay ibibigay sa akin para ipatago na sya kong dinedeposit sa bank account na binukas ko. Ang kaso, may ama ako na mangingisda at itinitinda naman ng aking ina na isa din labandera paminsan minsan at sa hirap ng buhay ay napapayag ako sa gusto ng mga magulang ko na magwithdraw paunti unti para sa pangangailangan ng pamilya namin. Labag man sa kalooban ko ay kailangan kong gawin. Lumipas ang dalawang taon at nakauwi na ang tita ko dito sa bansa. Nang magkaroon sya ng panahon ay pumunta dito sa amin at hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa mga oras na yun kung saan at paano ako magtatago. Merong pagkakataon na nakakaalis ako ng bahay ng walang nakakaalam at pagbalik ko ay gulo gulo na ang mga personal kong gamit. May nakapagsabi sa akin na pumunta ang tita ko at hinahanap ako. Galit na galit daw at hindi naniniwala na wala ako sa bahay. May pagkakataon din na sinadya pa ako sa bahay ng boyfriend ko nun. Tyempo naman na andun ako at ang mga magulang ng dati kong nobyo. Imbes na magmalaki sya pa ang napahiya nung panahon na yun. Pero hindi sya tumigil sa panghaharass sa akin. Minsan, pagkauwi ko sa trabaho, may nakarating sa akin na sulat. Tita ko daw ang mismong nagabot at may kasama pang pulis. Subpeona daw. Dahil sa wala akong kaalam alam sa batas, napapayag ako makipagkita sa tita ko sa isang munisipyo kung saan pilit kami pinagaareglo. Ang akala namin na pulis ay isang traffic marshall lang pala. Nalaman namin yun ng makarating kami sa munisipyo at ang subpoena ay peke dahil gawa gawa lamang pala nila. Sa laki ng takot ko at kalituhan ay hindi ko na alam ang mga nangyayari. Nagkasundo kami kasama ang nanay ko na babayaran sya unti unti. Subalit di rin natatapos dun. Mula ng masimulan namin ang pagtupad sa usapan, di rin sya tumigil sa kakatawag at kakatext kung kailan ang susunod at magkano ang dapat. Kakabigay lamang, kinabukasan ay ganun ulit. Nagkataon na naend of contract na ako at wala pang mahanap na bagong trabaho. Sa pagkakataong natigil na ang aming pagtupad sa usapan dahil dun ay lalo pa syang nagngitngit at nagsadya sa bahay namin. Gumawa ng eksena at eskandalo. Wala na akong maiharap na mukha dahil sa nangyari. Hindi na ko makalabas ng bahay dahil sa kahihiyan. Umiwas ako at lumayo. Sumama at nakisama sa dati kong nobyo. Sa loob ng ilang taon, natahimik ang buhay ko. Subalit nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan at naghiwalay. Nagpasya akong bumalik sa amin. Nagkaroon muli ako ng trabaho kung saan nakilala ko ang aking asawa ngaun. Tahimik na buhay pero alam ko sa loob ko na hindi pa tapos ang laban. Sa pagkakataon na may nakakarating na balita sa akin tungkol sa kanya ay kibit balikat lang ako. Hanggang isang araw, nabalitaan kong bumalik muli sya sa abroad. Akala ko makakahinga na ako ng maluwag. Subalit dumating ulit ang pagsubok. Nagkaroon ng sakit ang anak nya teenager at malaki ang gastos. Dahil alam ng mga kapatid ng nanay ko kung saan ako nakatira pumasyal sila isang araw para mangumusta at alam ko yun na ang simula. May pagkakataon na tumatawag sila sa akin at nagtetext, humihingi ng tulong pero imbis na maging mapagkumbaba ay may sasabihin pang iba tulad ng kesyo ibawas na lang sa utang, kesyo bayaran ko utang ko. Pero mula kasi ng mapahiya ako sa harap ng madaming tao, sinabi ko na sa sarili ko na sapat na yun na kabayaran. Gusto ko man tumulong pero wala naman talaga ako maibibigay sa kanila dahil asawa ko lang ang naghahanapbuhay. May pagkakataon pa pala na sumadya ang tita ko sa bahay ng magulang ng asawa ko para ikuwento sa kanila ang mga nangyari ayon sa kanya. Wala naman kinalaman ang asawa ko nun at ang pamilya nya bakit kailangan pa nya gawin ang ganun. Nang malaman ito ng asawa ko, hindi na maiwasan ang silakbo ng damdamin pero sinabi din nya na wala sya maaasahan pero haharapin ang dapat harapin kapag dumating ang tamang panahon. At alam ko ngaun ang tamang panahon. Sa tagal na ng panahon, di ko na maalaala kung magkano, gaano katagal nagpadala at gaano kalaki ang naipon. Ang alam ko naitago ko ang passbook pero mula nag-asawa ako hindi ko na matandaan kung saan ko naitago. Mula nagasawa ako ay minsan na din ako nakatanggap ng sulat mula sa PAO bilang imbitasyon na magharap kami. Hindi ako pumunta at 2 beses pa ako nakatanggap ng sulat. Iyon na ang huling paramdam nya. Sabi ng asawa ko ay maaari sya makasuhan ng alarm and scandal, libel, at iba pa. At dahil nasa abroad sya, wala syang kakayahan na harassin ako maliban sa mga kapatid nya. Sabi din ng asawa ko na uunahin pa daw ba ako singilin kesa sa kalagayan ng anak nya. Pero hanggang ngayon litong lito pa din ako. Ano ang dapat kong gawin? Maraming salamat sa mga nagtyaga magbasa at tutulong.
---legalzero