Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Need advice po sa kaso ko pls

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Need advice po sa kaso ko pls Empty Need advice po sa kaso ko pls Fri Jul 10, 2015 1:45 pm

thekiss101


Arresto Menor

Dalawang kaso po haharapin ko isa sa MTC at RTC
yung sa MTC driving without registration
sa RTC naman reckless driving resulting to slight physical injuries with abondon one victim
Sa totoo lang po di ko alam na nakabangga o naka sagi ako dahil sa bandang gilid sa bandang likuran ng lite ace van daw sya tumama. Naka bike ang bata 14yrs old. Nasa gitna ako ng kalsada at mabagal ang takbo ng sasakyan dahil busy road naman sya. Dahil di ko nga naramdaman na may tumama sakin diretso lang ako sa takbo at papuntang talyer dahil papagawa ko ang carborador dahil namatay matay pag binirit ang takbo. Nahabol ako ng bata doon at di kami nag ka ayos at bigla syang umalis na sabi e babalik. Natakot ako kasi kasama ko din ang anak kong lalaki ng 11yrs old naisip na baka kung sino tawagin at kung ano ang mangyari kaya nag pasya akong umuwi nalang. Haggang sa nakatanggap ako ng invitation sa traffic police at na locate ako ng bata. Hindi kami nag kayos kaya alam ko na sasampa ang kaso. Natanggap ko na ang testimony nila. Ang puwesto ko at nasa kaliwang bahali ng lane kasi two lane yun bahagi ng kalsada at nasa tamang lane naman isa pa mabagal ang takbo ko at diretso lang. Ang kuwneto ng bata e nasagi ko daw sya at bumagsak sya pakaliwa galing sya ng kanang bahagi ng kalsada malapit sa gater at nakaladkad daw sya. Pero ang tinamo nyang sugat at gasgas sa braso at binti. Isa pa nakita pa ng anak ko na yung bata daw ang bumangga sa amin pero maniha lang at nakita in nyang bumagsak. hindi naman nakuwento sakin kgad ng anak ko yun dahil iniisip ay wala lang yun. Wala po akong alam sa mga kaso kaso dahil sa totoong lang 1st time nangyari sakin to. Paki bigayn naman po ako ng mgalinaw na advice at anong mga puedeng mangyari para po magkaroon nako ng peace of mind kasi di na rin ako makakain maiigi at apektado na ang pang araw araw kong gawain. SALAMAT PO

2Need advice po sa kaso ko pls Empty Re: Need advice po sa kaso ko pls Sun Jul 12, 2015 12:57 am

Filia

Filia
Reclusion Perpetua

Wag kang mag-alala, kung hindi mo talaga mapapatunayan na inosente ka, pag kulong ang hatol sa yo, malamang hindi aabot ng 1 year kung totoong wala naman masyadong injury ang bata. Kung mataas pa jan ang hatol, eh makakapagpyansa naman. Pero kung nanalo dahil nagduda ang korte na di mo paramg hindi mo ginawa, pwedeng civil case na na lang sila, danyos sa pampaospital etc. Kung sa tingin ng korte ay hindi mo talaga ginawa, walang mangyayari sa iyo or anumang pababayaran.Kung super gulo na talaga ang isip mo, punta kang PAO para masabi mo ang lahat ng detalye ng kaso mo at malalaman mo ang rights mo. Wala pang bayad.

3Need advice po sa kaso ko pls Empty Re: Need advice po sa kaso ko pls Sun Jul 12, 2015 11:06 am

thekiss101


Arresto Menor

salamat sa sagot sir. papunta na po kami ng pao at gumawa na din ako ng counter ang hirap lang kasing isipin na di mo naman kasalanan dahil lang sa kasinungalingan ng bata e makakaso laking abala at pag iisip.

4Need advice po sa kaso ko pls Empty Re: Need advice po sa kaso ko pls Mon Jul 13, 2015 8:47 am

Andrew48


Arresto Menor

hi gud day

need ko din sana ng advice regarding sa case ko
i already have a warrant of arrest because of rA 7610 because of child support,.may ex partner fillled a case regarding support,.since ndi ano nakarating sa mga hearing dahil wala ako narrreciv na subpoena at ang nareceive ko lang is mga txt galing sa ex ko na may conference daw kme,.ndi naman agad ako nakapunta dahil magtxt cia real time at ung araw na un na din ung sinasabi niang conference/ hearing na pla un.,ndi din naman ako basta basta makaabsent sa work at inexplain ko naman sa kanya,.then last may she send me a copy of the resolution of the case ang the warrant if arrest na sa ibang address naka refer,.then we have already ang agreement at sabi nia ndi naman daw nia gusto na umabot sa criminal case since she is only after the support,.i dont have enough money para magpay ng lawyer and from the start na nagcomplain cia na ndi ako nagbibigay ng support e may ma resibo naman ako ng money transfer at groceries para sa anak namen,.it just so happen na nagstop ako dahil nagkaron ng transition sa work at nangailangan din ako ng pera para sa panganganak ng current partner ko,.and also nagkaron kme ng conflict dahil nagrequest ako noon sa kanya na baka pde ilabas ung anak namen na kmeng dalawa lang pero ibabalik ko din,.nagalit cia at sinabing wag na lang ako magpapakita sa kanila at sa anak ko,.at wag na ko tutungtong sa bahay nla kahit kelan (stay away from them) at kung may bakak daw ako magbigay e wag na lang layuan ko na lang daw cla,.sinend nia saken un via fb msg,and hanggang ngayon may copy ako non,.ndi ko na cia kinulit o pinilit pa kc nagworry ako na baka mastress cia at maapektuhan ing pagpapalaki nia sa anak namen,.then nagtxt cia ulit saken after ilang months at sinabi nia na gusto nia ng agreement regarding support para sa anak namen and ndi naman ako tumanggi at never ko naman tinalikuran un,.then himingi cia ng support and nagbigay naman ako ulit,.since mejo ilang buwan ako ndi nakapagbigay dinagdagan ko na para din makabawi,.from there naging ok naman ilisapan namen,.
unaware na nagfile pla cia ng case saken,.then come again the following week nag ask cia ulit ng support ndi na ko nakapagbigay dahil out of budget na din and inexplain ko naman na mag close ung account namen at naging floating ako sa work,.ndi naman ako makahanap ng ibang trabaho agad agad dahil ung mga papers ko for requirements e pinunit punit nia even ung mga documents na kelangan ko isurrender bago magresign sa current job ko,.aware naman cia na importante saken ung mga papers na un at mahirapan ako magproduce dahil im an adopted child and i dont have a middle name and some requirements na pinunit nia e ung mga certificates na din na pinaghirapan ko makuha,.inexplain ko lahat sa kanya kaya ndi ako agad agad makapagbigay ng lahat lahat ng hinihingi nia everytime magttxt cia

now nag agree cia makipagtulungan sa case ko since sabi nia ung support lang hinihingi nia
since may warrant of arrest na ko and wala akong pera para sa bail na nakaset,.i just need advice kung ano ung pde namen gawin dalawa para lang maayos,.kc if i will go to the court maaring makulong ako and ang worry ko is ung job ko na maaring mawala dahil foe our company ndi ako pdeng makaabsent ng matagal and concern din nla ung integrity ng company since ang kasong nasampa saken e criminal case (child abuse)
ang sabi naman ng ex partner ko samahan nia ako pumunta dun sa court para maayos ung kaso,.my question is kung pupunta ba ako ng kasama cia at mag agree kme sa harap ng judge ndi nb ako makukulong?,.
kelangan ko din ba na ipresent lahat lahat ng proofs ko na ndi ko naipakita dahil ndi ako nakarating sa hearing namen?,.
thank you..

5Need advice po sa kaso ko pls Empty Re: Need advice po sa kaso ko pls Mon Jul 13, 2015 9:58 am

Filia

Filia
Reclusion Perpetua

Makukulong ka na talaga pag nagpakita ka. Siya na lang papuntahin mo sa prosecutor's office para maiatras ang kaso kasi hanggat nandyan ang warrant of arrest, pwede ka ng dakpin at ikulong.

6Need advice po sa kaso ko pls Empty Re: Need advice po sa kaso ko pls Mon Jul 13, 2015 11:07 am

Andrew48


Arresto Menor

ganon po ba,.tnx..
kc nakikipag cooperate ako sa kanya since wala naman akong choice,.wala akong pambayad sa lawyer,.gusto ko talaga maipakita na from the start ng complain nia mali na,.sinabi nia ndi ako nagbigay nung certain month e nasaken naman ung mga resibo,,
gusto nia kc magkita kme don para makasiguro na mag agree o magsign ako ng agreement para sa support which is gagawin ko naman,.
un din sana gusto ko ipagawa sa kanya na baka pde puntahan na nia in advance para iurong nia ung kaso and then pag nagawa na nia un saka na lang ako pumunta para sa settlement ng support,.

7Need advice po sa kaso ko pls Empty Re: Need advice po sa kaso ko pls Mon Jul 13, 2015 10:00 pm

Andrew48


Arresto Menor

and possible ba na payagan cia ng court pag inurong nia ung kaso?,.

8Need advice po sa kaso ko pls Empty Re: Need advice po sa kaso ko pls Wed Jul 15, 2015 5:52 pm

Andrew48


Arresto Menor

hi again

we (my ex) went to the hall of justice para masertle ung case,.inuurong na nung ex ko ung kaso,.ang naging advise sken is magbail or kung wala daw ako pang bail madetain ako then maghearing,.arraignment daw..tapos binigyan ako ng requirements ng pao para sa cashbond na lang instead of bail w/c is half nung bail...
tanong ko lang kung tama ba ung advise?,.kc inuurong na ung kaso ko pero same pa din ndi pa din na lift ung warrant..tnx

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum