I just want to ask before po ako magsampa nang kaso sa mga nagkakautang sa amin. Last year po kasi nasa Australia pa po kami, so iyong kapatid ko na nasa pinas ang pinagkakatiwalaan ko sa pera, so sa papel na pinipirmahan nila e sa kapatid ko sila nagkautang. Pero bago po sila binigyan nang pera nang kapatid ko, sinabi nang kapatid ko na hindi sa kanya ang pera kundi galing po sa akin kasi wala namang trabaho ang kapatid ko. so alam nang lahat na sa akin galing ang pera. Ngayon po umuwi kami nang pinas para dito na manirahan, tapos after 4 months po ay nakulong ang kapatid dahil sa kaso niya na pinabayaan dahil ang tagal natapos daw ( reckless imprudence resulting to homicide ) . So ngayon po ako na ang nag take over kasi alam naman nang lahat iyon. Pero po ang iba, ayaw magbayad kasi hintayin daw nila na makalabas ang kapatid ko. Pero kahit hindi pa nakulong ang kapatid ko wala talaga silang intention na magbayad kasi it is almost 1 year na ang utang.
Ang tanong ko po:
1) Pwede ko bang masampahan nang estafa iyong nanghiram nang pera kasi may pinirmahan sila kahit hindi nakapangalan sa akin iyong pinirmahan nila? for the reason the my brother is uncapable of collecting the money.... I also have all the evidence na sa akin galing ang pera.
2) Iyong mga pinapirma ko na nagpromise na mag bayad for a certain time, pag hindi nila ito kinu comply ang promise nila, estafa na din po iyon di po ba?
3) Meron pong nag promise na daily sila magbabayad tapos binigyan ko pa nang pabor 2 months lang ang hiningi kong interest kahit almost 1 year na ang utang basta daily lang magbayad kahit magkano hanggang sa matapos nilang bayaran, hindi pa rin po nag comply, pwede ko na ba silang sampahan nang estafa?
please give me your advice para maka pag start na po...
thank you very much.