Na invite po akong magwitness pero dahil po lagi na lang nare-reset ang hearing hindi po ako makapagstand for witness. Actually po dalawa yng kinasuhan nya yung isa na dismiss yung kaso yung ginawa ko pong sinumpaang salaysay ay para dun sa nadismiss na kaso at hindi para dito sa isa pa nyang kinasuhan. Ang gusto ng complainant gamitin yung sinumpaan kung salaysay dun sa isa pa nyang kinasuhan pwede po ba yun. At bilang isang witness may karapatan po ba akong tumanggi kasi po wala na ko sa pinas ngayon at ang sabi ng complainant papadalhan daw ako ng subpoena pag di ako nagstand for witness eh pano po yun eh ayoko na nga po gusto ko pong mawalan ng bisa na yung pag witness ko sa kaso nya. Help naman po. Ayoko pong bumalik ng pinas para lang umattend ng hearing nya mas kailangan kung magstay dito sa abroad at magtrabaho para sa pamilya ko sana matulungan nyo ako