ito ay isang bigamy case.
2nd marriage is void from the beginning. the child on 2nd marriage is illegitimate
kailangan mo ng MC ng asawa mo, MC ng babae at BC ng bata kung possible mong makuha, para ebidensya mo.
maaring kumilos ka ng palihim siguro habang ang asawa mo eh nasa pilipinas at hindi pa nakaka alis o nakakalayo sa isang lugar na hindi mo alam tuntundin. kakailanganin mo ang isang abogado.
hanggat hindi napapatunayan sa court na bigamist ang asawa mo, hindi mo sya basta basta maaresto.
kung mapatunayan, jail term. may bail.
kung alam ng mistress na kasal si lalaki bago pa sila nagpakasal ni mistress, dawit si mistress sa bigamy case.
obligado si lalaki na magbigay sa illegitimate kid/s ng financial support dahil sya pa din ang ama.
kailangang ikaw ang magsampa ng kaso sa pilipinas, dahil ikaw ang tunay na asawa at oppressed spouse na magkakaso, kaya kailangang mauwi ka sa pilipinas