Hi! Yung father ko po kasi 9 silang magkakapatid and may lupa sila, ung 3 pong kapatid patay na tapos ung isa po doon walang asawa at anak. Yung isa rin pong buhay na kapatid walang asawa at anak. So bale po 8 nalang yung maghahati, 3 panganay na anak nung namatay na, tas 5 yung magkakapatid, tutol po kasi yung father ko na ibenta yung lupa tsaka ung isang family ng namatay na. Yung titulo rin po hindi pa nakasalin sa mga anak nakapangalan pa sa nanay nila na pumanawa na. Maaari pa rin po bang mabenta yun? May nakapagsabi po kasi na pwede daw pong mabenta kahit tutol yung isa, tas may nagsabi rin po pwedeng mabenta pero maiiwan yung share ng tutol bale ung lote na shared lang ang maiiwan at mag kakatitulo. Tsaka pala yung isa sa kapatid na gusto magbenta mayaman. Salamat po ng marami!
Free Legal Advice Philippines