I need your advice.
Na-framed up ang kapatid ko at inakusahan ng stalking ng girlfriend nya.
Nung nakaraang Nov 30, tumawag sa bahay cellphone ng kapatid ko ang girlfriend nya at sinabi na magkita daw sila para manood ng sine. Magkasabay pa kami umalis ng bahay at nagpaalam sya sa magulang namin na pupunta sya ng Cavite, nagtaka pa nga kami kung bakit sa Cavite dahil taga-Las PiƱas naman ang girlfriend nya. Nung makarating sila sa meeting place nila sinabihan daw sya ng babae na sundan ang dala nyang kotse dahil naka-motor ang kapatid ko. Nung malayo-layo na ang tinatakbo nila nagtaka na sya kung saan ba sila pupunta, at dahil sa girlfriend nya nga ang nagsabi, tiwala naman sya na sumunod hanggang sa makarating sila sa Kawit, Cavite. Ng makarating sila doon bigla na lang sya pinosasan ng mga hindi naka-unipormeng mga pulis. Sinabihan sya na mga pulis na at wag sya papalag. Kasama sa humuli ang hepe at nagmamadali daw na kinuha agad ang cellphone nya.
Ng makarating sa police station napag-alaman na may asawa pala ang girlfriend nya at kamag-anak nila ang hepe ng pulis. Sinabi daw ng babae ng stalker nya ang kapatid ko at kaya sya nakipagkita ay tinatakot daw sya.
Bandang 1:30 ng hapon ng hulihin ang kapatid ko at mga 5 pm na ng tumawag sya sakin para ipaalam na hinuli at ikinulong sya ng mga pulis. Noong una daw ay ayaw sya payagan ng mga pulis na makatawag para ipaalam na hinuli sya. Hindi daw sya maaring gumamit ng telepono, nagmakaawa sya hanggang sa pinayagan sya at saglit lang daw sya pwede tumawag.
Magda-dalawang taon na po girlfriend ng kapatid ko ang babae, nahuli sya ng asawa nya kaya sinabi nya na stalker nya ang kapatid ko.
Ano po ba ang maari naming gawin dito. Nasa cellphone ng kapatid ang mga text ng babae na pinapasunod sya at ang tungkol sa kung saan sila magkikita. Ngunit ng kunin ng mother ko ang cellphone, nasa hepe ito ng pulis at wala sa imbestigador na humuli. Wala na din ang mga text messages, na-delete na nila. At masama pa nito ginamit nila ang cellphone ng kapatid ko para mag-text na kunwari tinatakot nya ang girlfriend nya, na isang napaka-imposibleng gawin dahil nakakulong ng mga panahong iyon ang kapatid ko at ayaw nila ibigay sa mother ko ang mga gamit ng kapatid ko dahil nasa hepe nga daw.
Sana po ay makapagbigay kayo ng advice. Thanks.