Thank you in advance para sa mga idea at maitutulong ninyo.
The scenario is:
Nabyudo ang papa ko sa first wife nya ng year 1983. - Nakilala nya yung mother ko year 1989, nag sama pero hindi pa sila nag pakasal.
Pinanganak ako ng 1990. - since hindi pa kasal ang parents ko during this time, surname ng mama ko yung nilagay sa birth certificate ko.
Elementary until College - surname ng father ko yung ginamit ko sa school records until sa work.
Year 2004, nag pakasal ang mama at papa ko.
Year 2013, namatay yung father ko. Pero hindi pa din nila nalalakad yung legitimation ko.
Year 2015, need kong kumuha ng passport, unfortunately, isa sa requirement is yung NSO birth certificate.
Sa NSO birth certificate ko po, Surname ng mama ko yung nakalagay.
Then nilalakad ko po ung legitimation ko sa City Hall ng Manila, pero nag hahanap sila ng authentic writing ng father ko na nagpapatunay na pinanagutan nya ako bilang isang anak, which is hindi ko na maiprovide dahil wala na sya.
I was told to seek advise from a lawyer. Sabi nung nakausap ko sa legal office, magkakaron pa daw po ng hearing etc. Then pag may papers na na nag uutos sa kanilang baguhin yung records ko, saka lang nila mababago ito.
P.S. I have the following documents, cenomar pra sa dlwang kasal ng father ko. Death certificate ng first wife ng father ko, death certificate ng father ko, baptismal record, school records, birth certificate ko, marriage certificate ng father ko sa first wife, marriage certificate ng parents ko, birth certificate ng sister ko.
Question ko po ay:
1. Any advise based from your own experience/ or expertise kung ano pong dapat kung gawin for the legitimation process. Ano po ung papel na kelangan ko na sa tingin nyu po ay tatanggapin ng legal office ng city hall? Tulad po nung mga affidavit that was duly signed by a lawyer.
2. Any advise po kung paano ako makakakuha ng passport without authentic NSO copy of birth certificate. Yung mga documents or affidavit na tatanggapin sa DFA para ma issue-han po ako ng passport.
MARAMING MARAMING SALAMAT PO.
-Jo