Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

children at risk

Go down  Message [Page 1 of 1]

1children at risk Empty children at risk Thu Jul 02, 2015 8:35 pm

catherinemojica


Arresto Menor

Attorney please advice me, nasangkot po ang mga anak namin sa awayan sa school nila, mga estudyante po sila at nasa grade 10,15 taong gulang po sila at ang iba ay 16 at schoolmate din nila yung biktima na nabugbog. Noong araw na nangyari ang insidente, na-ipagamot naman po ang bata na nabugbog at nagkaroon po ng pag-uusap sa paaralan kinabukasan matapos ang insidente, ngunit hindi po naayos doon sapagkat nagkaroon ng tensyon ang isa sa mga magulang nang nambugbog at nung nabugbog kaya naman dinala ang usapan sa Brgy., pero wala din pong naganap na maayos na usapan sa Brgy. Hindi po ako nakarating noon sa naging usapan nila sa paaralan at sa Brgy., ngunit ang alam po ng ibang magulang ay may magaganap pang pag-aayos sa Brgy. Noong June 25 itong taon na ito ipinatawag po kami sa Brgy at sinabi nga po sa amin ng DSWD sa Brgy na may SUBPOENA na po ang mga bata galing sa DEPARTMENT OF JUSTICE,OFFICE OF THE PROVINCIAL PROSECUTOR OF CAVITE at ang ikinaso po sa mga anak namin ay Robbery with physical injury in rel. To RA 7610 dahil nawawala daw po yung cellphone ng bata na BlackBerry worth 20,000 pesos at perang mahigit kumulang daw pong 5,000 piso, na sa totoo lamang po ay walang robbery na naganap kundi awayan lamang ng mga bata. Sa kagandahang loob may isang batang lalaki ang nagsauli ng cellphone sa Brgy dahil nalaman niya na iyong cellphone pala na iyon ay doon sa biktima kaya kusang loob niya itong isinauli sa Brgy at ito ngayon ay nasa pangangalaga ng Brgy. Pinag susubmit kami ng Counter-Affidavit at magkakaroon kami ng appearance sa July 9 ngayon taon na ito. Attorney ano po ang magiging sitwasyon ng aming mga anak? Ano po ang dapat naming gawin sa sitwasyong ito. Maraming salamat po.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum