Nais ko po malaman kung anong mga hakbang ang dapat gawin sa kaso ko po. Ito po ang mga gusto ko pong malinawan:
- Kasulatan o kontratang nararapat sa pag babago ng kontrata dahil sa nag expires na ito at hindi pa natutubos ng nagsanla.
- Kelangan po ba na ang saksi sa unang kasulatan ay siya rin dapat ang nasa renewal contract? Papaano po kapag ang saksi ay wala na?
- Maari po bang irenew ang kontrata at sa ibang petsa ito nalagdaan kompara sa petsa ng bagong kontrata?
- Maari po ba na ibenta ng may ari ang lupat at bahay habang ito ay nakasangla saamin? May karapatan ba kaming magreklamo?
- Maari po ba namin sila i-reklamo o kasuhan kung ang nakasanla na saamin ay isasanla nila sa iba nang walang paalam?
May mga nauna na kaming kasulatan ngunit hindi po ito nakanotaryo. Binabalak namin na ipanotaryo ang bagong kasulatan.
Maraming Salamat Po!