Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

TULONG PO! ...HUSBAND NG ATE KO NA NANGGUGULO SA KANILA AT SA AMING PAMILYA PAGKATAPOS IWAN NG ATE KO DAHIL SA PAMBABABAE AT PANANAKOT SA KANILA

5 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

Salvador Cortez Jr.


Arresto Menor

Magandanag araw po mga kapatid.

Ako po sana ay hihingi ng tulong sa kung sino man ang pwedeng makapagpayo sa amin sa sitwasyon namin ngayon.

Ganito po nagsimula ang lahat...

Iniwan po ng ate ko kasama ng dalawa niyang anak ang asawa niya last MAY 2014 dahil sa pambababae nito at pananakit na may kasamang pananakot nito sa ate ko at mga anak niya. Pinauwi po namin ng probinsiya ang ate ko at mga anak niya. Hindi po siya pinuntahan ng asawa niya para sunduin bagkos ay kung ano anung masasakit na salita thru phone at text ang ibinato niya sa ate ko at sa pamilya namin. Nabalitaan namin na kasama niya na ang kabit niya ngaun. Wala pong naging matinong paguusap ang ate ko at asawa ko tungkol sa sustento.

Nagpapadala po dati ng pera ang lalaki pero may kasamang panlalait sa ate ko at di kalaunan ay natigil na siya sa pagpapadala dahil natanggal ang lalaki sa trabaho. Sinisisi niya ang ate ko dahil ate ko daw ang nagpatanggal sa kanya dahil sinumbong siya nito sa agaency na nambababae. Mas madami siyang mga masasakit na salita at panirang puri na binato sa ate ko.

Nag-abroad po ang ate ko para mamasukan bilang katulong sa singapore at akala namin ay matitigil na ang asawa niya. Ngaun po ay hinack ng asawa niya ang dati nilang facebook account at sa FAcebook naman po siya nangugulo kasama ng kabit niya. Pati po pinsan namin sa singapore ay pinapadalhan ng message na masasama at mapanirang puri ng asawa niya gamit ang mga gawagawang account na nakapangalan sa ate ko.

Hindi po siya nagpapadala ni pisong kusing ngaun sa dalawang anak niya at ginugulo niya ang ate ko at tinatakot na kukunin daw ang mga anak niya.

Ngaun po ay naguguluhan ang ate ko at gusto nang umuwi ng bansa kahit na baun pa kami sa utang dahil sa placement fee niya at walang kasiguruhan na mapapasukan sa pilipinas.

Tulungan niyo po kami. Hindi rin po ganun kalaki ang sahod namin para mag-hire ng isang abugado. Malaking pasasalamat ko po sa anumang payo na maiibigay niyo.

God Bless and Maraming Salamat po.

Salvador Cortez Jr.

LandOwner12


Reclusion Perpetua

wag kamo uuwi,
di pwede kunin ng ama ang bata, na nasa poder ng nanay, sabihin pang nasa abroard ito,
extended ang custody sa lolo at lola.
magpablotter kayo sa baranggay for proteksyon..

Salvador Cortez Jr.


Arresto Menor

Hi Land Owner, thanks po.

gusto ko din po sana magpa-blotter, kaso pwede ba na magpablotter sa probinsiya tz ang papablotter ko ay nasa Manila?

salamat po.

eixyar


Arresto Menor

Hi Good Day!..

Ask ko lang po..meron po kse aqong boyfriend right now na kasal sa una..balak na nmin mgpakasal sbi nya hndi valid ang kasal nya sa una dahil knasal sila nung first wife nya wala pa syang 18yrs. old nun..para daw po maikasal sila dinaya nila ung birth certificate nya..totoo po ba na hndi valid ang kasal nla?..wala po bang mkkuhang record sa nso na married sla?

LandOwner12


Reclusion Perpetua

eixyar wrote:Hi Good Day!..

Ask ko lang po..meron po kse aqong boyfriend right now na kasal sa una..balak na nmin mgpakasal sbi nya hndi valid ang kasal nya sa una dahil knasal sila nung first wife nya wala pa syang 18yrs. old nun..para daw po maikasal sila dinaya nila ung birth certificate nya..totoo po ba na hndi valid ang kasal nla?..wala po bang mkkuhang record sa nso na married sla?

iha,
kung totoong null and void ang unang kasal, kailangan munang maideclare ito ng hukuman,,
regardless valid or hindi, kapag nagpakasal ka sa kanya, bigamous marriage to, at null and void ang inyong kasal.

LandOwner12


Reclusion Perpetua

Salvador Cortez Jr. wrote:Hi Land Owner, thanks po.

gusto ko din po sana magpa-blotter, kaso pwede ba na magpablotter sa probinsiya tz ang papablotter ko ay nasa Manila?

salamat po.
pwedeng pwede,

eixyar


Arresto Menor

So paano po mapapatunayan kng totoong null and void ang kasal nila?..

LandOwner12


Reclusion Perpetua

kailangang dumaan eto sa court hearings,
mag file ng declaration of Nulllity of marriage (void ab initio).

Salvador Cortez Jr.


Arresto Menor

Hi eixyar, bgo ka pu mgpakasal at pumatol s may cmmtment, sna cguruhn mu muna na wala kang mccrang pamilya..
Sugestion pa, pwd k rn pu start ng new thread at mas maiakma mu ung topic title na gus2 mu. Godbless

LandOwner12


Reclusion Perpetua

Sleep

SIUVI29


Arresto Menor

PANO PO KUNG NAGPAKSAL KAYO IN MUSLIM NAGBALIK ISMAL KAYO PAREHO THEN MY ASAWA AKO UNANG ASWA SA CHRISTIAN, ANO ANG LEGALITIES NA PWDE GAWIN NG UNANG ASAWA? E MUSLIM N KAMI PAREHO

raheemerick

raheemerick
Reclusion Perpetua

@SIUVI29: nasa lalake lng na nag balik islam ang karapatan na makapag asawa o maka pag pa kasal ng hindi hihigit sa apat na beses sa ilang kadahilanan..
halimbawa, ay sa kagustuhan ng lalaki na may mag-mana ng kanyang pangalan at wlang kakayanan ang unang asawa na siya ay mabigyan ng anak..

o di kya, ang asawang babae ay ayaw pasakop sa asawa nitong lalake, o di kaya ay hindi pag kaka sundo sa madaming bagay etc..etc..

gayun pa man? mag asawa man ng higit sa isang beses ang isang lalaking muslim? ang nauna at iba pa nyang asawa ay mananatili pa din bilang kanyang asawa at siya ay may pananagutan dito sa financial at suporta na kailngan.. kyat siguraduhing may sapat na kakayanan sa financial at katawan ang isang lalaking muslim kung nais nya na siya ay mag asawang muli.

aralin ang bagay na ito at isagawa in goodfaith.

pero ang babae, kahit nag balik islam ito at may unang valid na kasal mapa christian pa man. civil, church, garden, o kahit ksal lng sa banig?

ito ay valid pa din at hndi sya maaring mag pakasal na muli kahit nag balik islam pa sya. kung ito ay ipipilit pa din? ang babae ay maaring ma kasuhan ng bigamy ayun sa batas.

hndi paraan ang pag babalik islam ng isang babae upang mapa walang bisa ang nauna nitong kasal.

at ganun din sa lalake. maaring makuha ang karapatan na makapag pakasal ng hindi hihigit sa apat na beses..
subalit ang katotohanan ay may pananagutan ka pa ding naka akibat sa iyong mga balikat sa mga nauna mong asawa. dahil sila ay mananatili mong asawa sa mata ng ala subhana wata-alah..

LandOwner12


Reclusion Perpetua

SIUVI29 wrote:PANO PO KUNG NAGPAKSAL KAYO IN MUSLIM NAGBALIK ISMAL KAYO PAREHO THEN MY ASAWA AKO UNANG ASWA SA CHRISTIAN, ANO ANG LEGALITIES NA PWDE GAWIN NG UNANG ASAWA? E MUSLIM N KAMI PAREHO

next time,
pakipaliwanag kung boy or girlalush ah,
para mas maganda paliwanag ni idol,,,

raheemerick

raheemerick
Reclusion Perpetua

hahaha yan ang sinsabi q master haha!!

Smile para konting salitype na lng sana haha

LandOwner12


Reclusion Perpetua

di naman lahat ha,
saka yong iba kasi meron tinatago,

malalaman mo lang pag naungkat,,
maganda sana kung merong chronology of events, then nakalagay yong mga linkages,,,
wag naman yong sobrang detalye, na pati yong inulam eh sinama na, nakakasakit ng mata magbasa,, ehehehe

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum