maayos naman po kaming nag-usap at pumayag po akong makipaghiwalay sa kanya dahil wala na akong tiwala sa kanya bilang provider, asawa at ama dahil sa mga kalokohang ginawa nya noon hanggang ngayon. halos araw-araw kailangan ko pang ipaalala sa kanya na may pamilya sya at itigil ang buhay-binata lalo na at may kabit pa sya. nangako sya ng child support pero ayoko na ng verbal lang dahil baka hindi na naman sya sumunod sa aming usapan. ano po ba ang dapat kong gawin para siguradong makuha ko ang suporta para sa mga anak ko lalo't mag-aaral na po sila ngayong taon?
maari ko rin po bang gamitin ang maiden name ko kahit hindi pa void ang kasal namin ng asawa ko?
salamat po.