Good evening.. ask ko lang po kung ano ang dapat gawin sa asawang nang iwan ng husband na seafarer. Kapatid ko kasi ang lalaki.. since sila'y nagsasama hindi talaga nag stay ng bahay ang babae at palaging iniiwan ang kanilang anak na babae sa aming ina at sya ay naglalakwatsa. umuuwi lang siya kung kailan niya gustong umuwi... last 2012, kinausap niya ang kapatid ko na pakasalan siya para sa kanilang anak at siya ay raw ay magbago na.. Pero, pagkatapos na pagkatapos ng kanilang kasal, umalis uli ang babae at matagal bago babalik ng bahay.. ibinigay sa kanya ang 80% na allotment,, pero walang naitago at marami pang utang.. nuong nasa bapor pa ang kapatid ko, hindi sya sumasagot sa phone pagtinawagan sya o text man lng ng kapatid ko ..pwera lng kung may hihingiin syang additional money sya ang kusang magtext para iinform lng ang kapatid ko, tapos d na sya sasagot kung mangungusta na.. sa ngayon pag uwi ng kapatid ko hindi na sya dito umuuwi sa bahay ayaw na daw na daw niya sa kapatid ko at makipaghihiwalay na daw sya..bahala na daw ang kapatid ko sa kaniyang pera at hindi na daw nya kailangang bigyan ng allotment.. ang tanong ko po, pwede po ba sya hindi bigyan ng allotment ng kapatid ko, instead sa kanya sa anak na lng niya ibibgay at sa nanay ko?