Itatanong ko lang po kung ano po ang magandang gawin sa titulo ng lupa na naiwan ng magulang ko.
Dalawa po kami magkapatid. At pareho na pong patay ang aming magulang. Yung titulo ng lupa, sa mama ko po nakapangalan. Nong feb 19 2015 po namatay ang mama ko.
May multa po ba kapag hindi pa naipalipat agad sa pangalan namin. (Actually last year hindi yata nabayaran ung amilyar). o kaya mahihirapan kami balang araw? May nagsabi na kailangan pa hanapin ang papeles ng papa ko para sa mga processo..
Kindly advice
Salamat po