Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Equal sharing and decision about properties ng mga mag kakapatid

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

quench


Arresto Menor

Hingi ng legal advice meron kame mga prpoerties na kailangan hatiin. Dito ako sa manila may work may 3 ako na kapatid dibale ang scenario yung kapatid ko na babae siya yung nakatira ngaun dun sa bahay namin sa cdo. Gusto niya i divide na yung mga properties namin. So ginawaga niya kinausap niya yung kapatid ko na lalaki na kailangan ko mag sign ng documents regarding sa hatian. Ngaun ang gusto nila eh pirmahan ko ung papers ng di man lang nababasa kung ano yung nasa loob. Di fair yun sa akin pag kakaalam. Ngaun nagalit yung kapatid ko na babae at nagpunta sa barangay at nag reklamo. About sa extra judicial agreement na kailangan ko mag sign. Pinadalhan ako ng summon letter 3 times na pero lahat ay late lage dumadating. Tpos may real state agent na interesado masyado sa lupa namin at siya yung ng udyok sa kapatid ko na i pa barangay ako at yung bunso ko na kapatid. At nag message pa etong agent . Telling me na pag di kame mag appear sa barangay ng 3 times eh pwde kame i bypass. Ng captain dibale endorsement na mag proceed ang hatian kahit wala kame pirma. And kahit mag contest kame eh wala na kame habol sa lahat regarding sa hatian. Ang tanong ko pwede bang ganon ang mangyari na mawalan kme ng power kung di kame mag appear at di pa nga namin nababasa kung ano yung pipirmahan. Sabi ko ipadala sa akin ang pipirmahan pero ayaw nila gusto nila umuwi ako at duon ko pirmahan ang gusto nila parang hijack yung dating sa akin. Sana may sumagot kung ano ang pwede ko gawin and batas na dapat lahat kame agreed sa lahat ng desisyon sa hatian.. and ano ang pwede ko na gawin sa agent na nakiki alam. Tia

LandOwner12


Reclusion Perpetua

Please answer.
1.both parents were gone?
2. Each of the siblings are legitimates?
3wala bang last will ang parents?
4. ano pa ibang properties?
5. kanino nakapangalan ang property?





micahbrenda


Arresto Menor

LandOwner12 wrote:Please answer.
1.both parents were gone?
2. Each of the siblings are legitimates?
3wala bang last will ang parents?
4. ano pa ibang properties?
5. kanino nakapangalan ang property?





baka makatulong ka rin sa akin if ever.. Sad
Itatanong ko lang po kung ano po ang magandang gawin sa titulo ng lupa na naiwan ng magulang ko.

Dalawa po kami magkapatid. At pareho na pong patay ang aming magulang. Yung titulo ng lupa, sa mama ko po nakapangalan. Nong feb 19 2015 po namatay ang mama ko.

May multa po ba kapag hindi pa naipalipat agad sa pangalan namin. (Actually last year hindi yata nabayaran ung amilyar). o kaya mahihirapan kami balang araw. Sa ngayon kasi wala pa kaming sapat na pera para mapalipat..

Kindly advice

Salamat po

LandOwner12


Reclusion Perpetua

walang multa,
pero merong penalty ang amilyar, depende kung gaano katagal ang di nabayaran.( eto eh regardless kung naisalin or hindi ang titulo)

equal ang share nyong magkapatid, so share din kayong magbayad,,

micahbrenda


Arresto Menor

LandOwner12 wrote:walang multa,
pero merong penalty ang amilyar, depende kung gaano katagal ang di nabayaran.( eto eh regardless kung naisalin or hindi ang titulo)

equal ang share nyong magkapatid, so share din kayong magbayad,,


Ahh wala palang multa.. ano po bang artikulo ko yan maipapaglalaban na walang multa pag hindi nailipat agad?
At itatanong ko rin po, totoo po ba na kapag 70yrs old na raw ang tatay namin, mahihirapan daw kami magsalin ng lupa saming dalawang magkapatid

LandOwner12


Reclusion Perpetua

lets put it this way,
walang articulo akong nabasa na merong multa, kapag di nailipat agad (owner name) ang property.
kasi, sa tingin ng batas, sa parent mo pa yon.. at bakit cla magmulta..?

at wait, kala ko ba deads na both parents nyo?

micahbrenda


Arresto Menor

LandOwner12 wrote:lets put it this way,
walang articulo akong nabasa na merong multa, kapag di nailipat agad  (owner name) ang property.
kasi, sa tingin ng batas, sa parent mo pa yon.. at bakit cla magmulta..?

at wait, kala ko ba deads na both parents nyo?


yup, pareho na silang deads, pero eto kasing asawa ng kapatid ko, may napagtanungan di umano,, na kapag umabot ng 70 years old daw ang papa ko.. MAHIHIRAPAN DAW kami maglipat.. Palalabasin daw DONATION ang lupa>> .. kinuha nga sakin ang titulo eh.. dahil mahirap daw magprocesso kapag parehong magulang ay patay.. may nasabi pa sia na palalabasing buhay ang tatay ko.. para hindi mahirapan umano

LandOwner12


Reclusion Perpetua

baligtad,
kung buhay pa ang tatay nyo(regardless of age).
at kung congugal ang property,
yong 1/2 sa kanya, yong 1/2 paghahatian nyong magkapatid, at tatay..sa sandaling namatay ang mama mo.
since pareho nang patay,
no need of donation,,,eto eh inheritance na.. at 2 kayong magkapatid na living heirs...

kunin mo uli titulo..

micahbrenda


Arresto Menor

LandOwner12 wrote:baligtad,
kung buhay pa ang tatay nyo(regardless of age).
at kung congugal ang property,
yong 1/2 sa kanya, yong 1/2 paghahatian nyong magkapatid, at tatay..sa sandaling  namatay ang mama mo.
since pareho nang patay,
no need of donation,,,eto eh inheritance na.. at 2 kayong magkapatid na living heirs...

kunin mo uli titulo..

Okay I see po. Isa pa po ulit na tanong, ano pong mas mahal na proseso, ung palalabasing buhay ang tatay ko, o direktang ililipat sa pangalan namin ang lupa.. AYON sa source nya, mas mahal daw kase pag mana ang lupa kaya palalabasin daw donation... ?? Pwede po ba yon?? kami ang anak ng may ari pero donation ang lumalabas??

Duda ko po kasi, baka ipangbabayad nila sa utang nila ung parte ng lupa na ayaw lang sabihin sakin

LandOwner12


Reclusion Perpetua

kalokohan,
1. una, falsification of docs, kung papalabasing buhay ang patay na.
2. ang dead of donation, merong tax(computed) from the existing property ng donor..
3. di ko magets, bakit mas mahal kung inheritance,,
mukhang ginogoyo kayo nyan ah,

micahbrenda


Arresto Menor

LandOwner12 wrote:kalokohan,
1. una, falsification  of docs, kung papalabasing buhay ang patay na.
2. ang dead of donation, merong tax(computed) from the existing property ng donor..
3. di ko magets, bakit mas mahal kung inheritance,,
mukhang ginogoyo kayo nyan ah,

Thank you... ayon kase sa kanya... KAKUNTYABA NA RAW NIA ANG Tagasukat at ung lawyer... may record na rin kasi to ng pangloloko eh... kaya di na mapagkatiwalaan... baka rin po kasi if ever na pinayagan kong ganon.. kakuntyaba nya rin pag-dating sa partition ng lupa namin ng kapatid ko.. mas malaking parte ang mapunta sa kanila pag nagkataon..

LandOwner12


Reclusion Perpetua

di kailangang ng lawyer, kung magpapasukat at maglipat ng pangalan ng titulo...

merong mga surveyours na alalay sa yo, up to malipat sa name mo to.

micahbrenda


Arresto Menor

LandOwner12 wrote:di kailangang ng lawyer, kung magpapasukat at maglipat ng pangalan ng titulo...

merong mga surveyours na alalay sa yo, up to malipat sa name mo to.

I mean,, nadinig ko sa kanya ng di nya siguro cnasadya, Surveyor (tga sukat) at lawyer... dalawang taong kakuntyaba nya

LandOwner12


Reclusion Perpetua

ganito,
san ba yang lugar nyo?
meron malapit na bureau of lands dyan?
punta ka don, at para mawala agam agam mo...

micahbrenda


Arresto Menor

d2 po kami sa sta maria bulacan.. marami pong salamat!!!

LandOwner12


Reclusion Perpetua

undr yan ng denr, punta k s munisipyo nyo..
tnong k lang don

quench


Arresto Menor

Please answer.
1.both parents were gone?
2. Each of the siblings are legitimates?
3wala bang last will ang parents?
4. ano pa ibang properties?
5. kanino nakapangalan ang property?

Dibale share un mother ko dalawa sila magkapatid legitimate lahat kme. dibale ung lola lolo at mami ko wala na. May will na ilipat sa amin lahat ng property ngaun ung sister ko at tita ko nag decide na hatiin. sila namili kung san sila kuha ng magandang pwesto na lupa. Dibale sa likod kme which is unfair di man lang nila tinanong ako kung ok sakin un. Kailangan mag sign agad daw ako. Tama ba un against sa will ko.

LandOwner12


Reclusion Perpetua

quench wrote:Please answer.
1.both parents were gone?
2. Each of the siblings are legitimates?
3wala bang last will ang parents?
4. ano pa ibang properties?
5. kanino nakapangalan ang property?

Dibale share un mother ko dalawa sila magkapatid legitimate lahat kme. dibale ung lola lolo at mami ko wala na. May will na ilipat sa amin lahat ng property ngaun ung sister ko at tita ko nag decide na hatiin. sila namili kung san sila kuha ng magandang pwesto na lupa. Dibale sa likod kme which is unfair di man lang nila tinanong ako kung ok sakin un. Kailangan mag sign agad daw ako. Tama ba un against sa will ko.

teka, wala naman sa unang post ang tita ah,,
kung hati pa ang mother mo at ang tita mo sa property, then mas malaki ang share nya,,
yong 1/2 sa kanya, yong 1/2 paghatian nyong 3 magkakapatid.
so bale 1/6 ang sa yo.

quench


Arresto Menor

Sabihin natin po na ung pag hahatian namin ung share na ng nanay ko. Pwd ba ako basta na lang mag sign ng di ko pa nababasa kung equal talaga ang hatian namin mag kakapatid? Tpos nag pa brgy. Parang harassment na kailangan ko pumirma. Pwd ba ako mawalan ng power sa decision regarding sa mga hatian. Pag di ako umatend sa hearing sa brgy. Kse ganun ang sbi sa akin. Thanks uli

LandOwner12


Reclusion Perpetua

nasagot ko na yata sa mga naunang post...

quench


Arresto Menor

Wala sir iba ata ung nag tanong anyway salamat po. Medyo di parin ho kse malinaw

LandOwner12


Reclusion Perpetua

ok,
di pwedeng hatiin ng wala kang consent,,,

quench


Arresto Menor

Maraming salamat sir landowner nasagot niyo po yung question ko thanks uli god bless Smile

LandOwner12


Reclusion Perpetua

anytime,
ang best na gawin mo dyan,
asikasuhin, bigyan ng time para umuwi at kausapin ang mga kapatid..
magpa SPA ka sa trusted anyone sa lugar nyo, na di pwede ibenta hanggang wala kang sign..

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum