but actuallyy. parang hndi pwde ang abandonment eh..
ANG KUSTODIYA NG BATANG ILLEGITIMATE O ANAK NG MGA HINDI KASAL AY IPINAGKAKALOOB NG BATAS SA KANYANG NANAY, ANG TATAY AY MAYROON LAMANG VISITATION RIGHTS. KUNG WALA ANG NANAY NG ISANG ILLEGITIMATE CHILD, ANG KUSTODIYA AY PINAGKAKALOOB SA LOLO O LOLA NG BATA SA MOTHER SIDE, AT HINDI SA FATHER SIDE.
Ayon sa Article 176 ng Family Code, ang parental authority ng illegitimate child ay nasa nanay. Ang karapatan lamang ng tatay ng isang illegitimate child ay visitation rights sa kanyang anak.
Art. 176. Illegitimate children shall use the surname and shall be under the parental authority of their mother, and shall be entitled to support in conformity with this Code. The legitime of each illegitimate child shall consist of one-half of the legitime of a legitimate child. Except for this modification, all other provisions in the Civil Code governing successional rights shall remain in force.
Ang pagiging ama ay hindi sapat na dahilan upang sa kanya igawad ang pag-aaruga sa bata. At kung ang ina ay UNFIT o HINDI KARAPATDAPAT upang pangalagaan ang bata, ang kustodiya ay maaaring ibigay sa mga LOLO o LOLA na magulang ng ina at hindi sa paternal side o LOLO o LOLA sa father side. Ang ganitong kaso ay dinesisyunan na ng Korte Suprema sa kaso nila Briones vs Miguel G.R. No. 156343, October 18, 2004. Ang kinakailangan na gawin ng pamilya ng AMA o ang mga lolo at lola ay magbigay na lamang ng suporta sa bata, gayundin ang karapatan na pag-dalaw o visitation rights sa kanyang anak. Ang AMA na bigong mag-bigay ng suporta sa anak ay maaaring panagutin ng pag-labag sa Anti-Violence Against Woman and Children Act na tinatawag na economic abuse. Ang hindi pagbibigay ng kustodiya ng anak ng nanay sa tatay ay hindi dahilan upang itigil ang suporta sa bata. Ganun din, ang kawalan ng pagkakataon na bisitahin ng tatay ang kanyang anak ay hindi rin dahilan upang itigil niya ang kanyang suporta sa bata.
Ang pag-iwan ng isang nanay sa kanyang illegitimate child sa tatay o ibang tao ay hindi nangangahulugan na inabandona na niya ang anak.
Sa kaso ng Supreme Court sa Sagala-Eslao vs Court of Appeals (G.R. No. 116773. January 16, 1997), ang isang anak ay naiwan sa grandmother dahil namatay na ang father ng mga anak at pagkatapos ay nag-asawa uli ang nanay ngunit nang kukunin na ang bata, tumanggi ang grandmother na wala nang right ang nanay na kunin ang bata dahil inabandona na niya ito. Sinabi ng Supreme Court na walang abandonment na ang pag-iwan sa bata ng nanay sa grandmother ay temporary custody lang sinabi dito na nawawala lang ang parental authority ng magulang sa kanyang anak kung ito ay kanyang (1) pina-adopt, (2) kung siya ay nabaliw at under guardianship ng korte o (3) pag-surrender ng bata sa orphanage. Kung wala dito sa tatlong nasabi ng batas, pwedeng mabawi ang custody ng bata sa pinag-iwanan nito.
Kung kaya, ang taong pinag-iwanan ng isang menor de edad na bata ng magulang nito ay may responsibilidad na ibalik ang custody nito sa kanyang mga magulang kung ito ay binabawi na. Ang hindi pagbabalik ng menor de edad na bata ng taong pinagiwanan ng bata ay isang krimen na kung tawagin ay "FAILURE TO RETURN A MINOR" na may parusang kulong ayon sa Article 270 ng Revised Penal Code:
yan pang 10x post ko na yta ito sa iba heheh malapit ko ng makabisado hahaha