Gusto ko lng po malaman kung papaano namin mapapalitan o maiko-correct surname ng Mother namin.
She is a government employee at Taytay, Rizal at the DSWD Department. Gamit niya yung Surname ng Tatay for almost 37 years na sa lahat ng government transaction. 2 years ago when she is 56, inalam niya sa opisina nila mga requirements for retirement para makaclaim siya sa GSIS. One of the requirement is her NSO birth certificate. First time niya kumuha sa NSO at No Record ang nakuha niya at malungkot ang mother ko. After all this years, ngayon lng nmin nalaman na wala siyang record sa NSO gamit ang pangalan niya sa lahat ng government records. Sinamahan ko siya sa Manila City Hall at inalam namin kung naipasok ba ng PGH yung birth certificate niya noong August 17, 1956. Pumasok nman yung record niya sa Civil Registrar pero walang pangalan na nakalagay sa Name of Child section.
nagsubmit kami ng suplemental documents sa civil registrar ng Manila City hall at after 6 months eh nakuha niya NSO birth certificate niya, pero di nabanggit sa amin ng civil registrar na illegitimate child ang Mother ko before kami magsubmit ng suplemental documents at walang acknowledgement yung Tatay niya. Kaya ng lumabas na NSO birth certificate ng Mother ko, Surname ng mother niya ang nakalagay na Surname niya.
Produkto ng broken family ang Mother ko, bata pa Mother ko ng namatay mother niya sa panganganak at simula noon pinabayaan na sila ng Taytay nila, may ibang pamilya daw Tatay nila. Nakgahiwalay silang 4 na magkakapatid. Masama loob ng Mother ko sa Tatay niya dahil sa nangyari sa buhay nila.
Umapila kami sa Manila City Hall ano pwede gawin para i-correct at magamit ng Mother ko yung Surname ng Tatay nila kasi yun na gamit niya sa buong buhay niya at yun din gamit naming Middle name na mga anak niya. Sabi sa amin eh daraan daw sa korte para maisakatuparan yung pagbabago ng Surname ng Mother ko at kailangan daw iharap yung witness na magpapatotoo ng anak siya ng Tatay niya.
Ang problema, patay na Tatay niya at di alam ng Mother ko kung saan nakatira yung 2nd family ng Tatay niya. Di alam ng mother ko kung may buhay pa sa mga kapatid ng Tatay niya at saan sila hahanapin.
mahigit 50 years na ang nakalipas at hindi alam ng Mother ko kung sino at saan niya hahanapin yung kamag-anak ng Tatay niya na alam niya na di nman siya kilala ng mga yun.
Humihingi po ako ng payo kung sino po ang may magandang kalooban na mas nakakaalam ng dapat naming gawin.
thank you in advance po!