almost 20 years na pong sinasaktan ng papa ko ang mama ko. i thought magbabago din po siya,i am not expecting that at my age 22 ay maghihiwalay pa din sila dahil sa pambubugbog ni papa.
may business po ang mga magulang ko at i think it is normal na dumadating sa punto na nagiging matumal ang negosyo kasabay ng pagaaral ko sa kolehiyo ng Ateneo. dumating sa point na kinailangang gamitin ni mama ang pera sa bank para makabayad sa mga ahente namen sa negosyo at para matustusan ang pagaaral ko sa isang prestisyosong iskwelahan -pero ang naging pagkakamali ay ang hindi pagpapaalam ng aking ina sa aking ama na nagamit ang pera sa bank at ubos na po ito. dahil na rin sa pagaalangan at pagkatakot ni mama na ipaalam kay papa kasi even you will try to explain everything kay papa ay bandang huli mauuwi din sa pananakit niya.
one time po, pinasok ang bahay namen ng isang magnanakaw at dahil dun nawala ang tinatabing money ng mga magulang ko. at kamalas malasan ay nalaman ni papa na wala na kamin pera sa bangko. binugbog ulet ni papa si mama and my dad accused my mom na isang magnanakaw. my mom tried to sue my dad sa court yung Violende against Womens Rights, but because at that time I was about to take the board exam, I begged my mom na iatras na lang ang case at dahil nakakahiya din sa mga tao at we'll try na lang na kausapin si papa.sadly nothing happened at patuloy padin ang pananakit ni papa kay mama at pinipilit niya si mama na ilabas ang mga pera.
at hindi lang po yan, may kapatid po ang papa ko na siyang naninira ng pamilya namen. i mean, hes happy kapag naghihiwalay ang mga magulang ko dahil after talaga nila ang mga natitirang negosyo at lupa ni papa. ang uncle ko po ay ipinagkalat sa bayan namen na magnanakw ang nanay ko, we'll infact wala siyang karapatan para maapektuhan at magsalita ng ganun dahil after all hindi niya pera ang nawala.tuwing manggagaling ang tatay ko sa bahay ng uncle ko ay laging lasing at pinagmumura ang nanay ko. pati kameng mga anak ay pinagsasalitaan ng hindi maganda with all the PI at dumating sa point na sinasaktan niya na physically ang mga kapatid ko. hindi ko lubos maisip na magkakaganon ang aking ama ng dahil sa pera at handa siyang itaya ang pamilya niya para sa pera.and when i tried na mapagayus sina mama, my uncle is totally against with it dahil he advised my dad na "sakalin na lang daw niya ang mom ko saka palabasing nagpakamatay".natulungan namen ang family nila at di ko lubos akalain na ito pa ang igaganti nila sa amin.
umalis po ako sa bahay namen dahil narealize kong wala pong patutunguhan ang buhay ko kapag nasa bahay lang ako at nakikinig sa dirty stuffs ni papa.wala na po akong respeto sa uncle ko dahil sa mga nagawa ng family niya sa pamilya ko.dumating din po sa point na pinapalayas ni papa ang mga kapatid ko sa bahay namen pero pinigilan ko na lang po sila dahil sila lang po ang nagbabalita sa akin kung ano ang nangyayari sa bahay.
ang kinakatakot ko po ay baka gumawa si papa ng last will at ibigay ung mga negosyo sa uncle ko. at kung mangyari man po, anu po ba ang dapat kong gawin.
at yung namana po bang mga lupa ni papa sa dad niya, sino po ba ang mas may karapatan nun? ano po ba ang dapat kong gawin para hindi makalapit ang uncle ko sa kahit na sino sa pamilya ko dahil pati mga kapatid ko ay pinagsasalitaan niya ng hindi maganda na dati dati naman ay hindi.
salamat po ng marami. sana po matulungan niyo ako dahil hindi ko na po alam ang gagawin ko. I am not after my dad's properties but i would want to defend our rights dahil naaawa po ako sa mga kapatid ko na nagtitiis kay papa-they're just 20 ang 16.kahit para sa kanila man lang po sana ay may maiwan.naawa din po ako sana nanay ko- dahil eversince she is doing everything for us.