may mga katanungan po sana ako na nais ko pong malaman at maintindihan tungkol sa kasal namin ng asawa ko sa singapore. kinasal po kmi noong 2009 sa registry of marriage isang gobyerno doon na pwedeng magkasal ang parehas na pinoy. imbis na sa embahada po kmi nag pakasal doon po kmi sa registry of marriage sa kadahilang mag aaply po sana kmi ng permanent citizen doon kaya ninais namin mag pakasal doon para mabilis ang proseso. may mga naririnig din po kmi na kahit sa registry of marriage kmi ikinasal ipapasa po iyon ng gobyerno ng singapore sa embahada ng pinas na nak locate sa singapore. sa di inaasahang pag kakataon nawalan ng trabaho ang asawa ko at ako na lang ang naiwan sa singapore. nalaman ko na lang po na di pala ito naka-file sa NSO at sa embahada natin sa pinas. ngayon pong taon nag karoon po ng di inaasahang pagkakataon na nahuli ko po ang aking asawa na may kinakasama ng iba sa pinas at itoy inamin nya sa akin at sinabe po nya na magpapakasal na sya pinas kumuha sila ng cenomar doon at di po ito naka-rehistro. masyadong masaklap ang nangyare sa akin dahil pinalalabas ng asawa ko doon na itoy fix marriage lamang po. nais kong dumulong sa inyo kung ako po ay may magagawa pa at mahahabol pa po ang lahat dahil gusto ko pong magkaroon ng laban? sa lahat ng ginawa sa akin ng mga iyon. sana po ay matulungan nyo ako para po malamn ko kung dapat ko po bang ipaglaban ang lahat ng ito.
salamat po,
devastated
View user profile Send private message