Once a month lang sya allowed gumamit ng cellphone. (Start ng 10 pm up to 5am the next morning which di rin nya kadalasan makausap ang kids nya dahil tulog na).
5am -10pm ang trabaho nya (as pero contract she should have 8 hours straight rest)
Kinukulong sya ng amo pag umaalis sya, all doors locked so pano in case of emergency o may sunog?
16000 per month po ang sahod nya pero nakaltasan na sya ng P40k at di sya na-inform at na orient ng total babayaran nya at kaltas.
Sir nalaman ko rin po na nakita ng kapatid ko ang kontrata na nareceive ng amo nya from agency at yun ay hindi ang pinirmahan nyang kontrata. Binago (di nakalagay na may off, oras ng trabaho) at pinirmahan ng ibang tao.
Since first timer at takot po eh saken nagsumbong ang kapatid ko. Nung nagemail ako s agency nya which pang 4th letter bago sila sumagot, sinabi nila na magcocoordinate sila sa agency Malaysian counterpart nila.
Pero instead na tulungan po ng agency sa Malaysia, pinagsulat nila ang sister ko na okay sya at wala syang problem At reklamo.
Pede ko pa rin ba ipilit ang day off at deduction kahit pinapirma nila ang kapatid ko sa sulat na wala syang reklamo? Na stress lang at kinabahan ang kapatid ko pero gusto at kailangan pa rin nya magpahinga/day off, at makaltasan ng tama. Ano po dapat ko gawin? Diko pa sinasabi sa agency na nakita ng sister ko ang pekeng kontrata...
Thank you po at more power!!!