Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

ESTAFA please help

+5
Richardmendoza7577@yahoo.
raheemerick
jc2009mahalko
LandOwner12
needhelp23
9 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1ESTAFA please help Empty ESTAFA please help Wed Apr 22, 2015 10:11 pm

needhelp23


Arresto Menor

Ask ko lang po kasi nagkakaso po kami ng criminal case, (ESTAFA) last hearing po namin nag attend kami pero sabi samin ipapadala nalang via MAIL ung verdict ng prosecutor, e kaso po that day din pinaalis kami sa tinitirahan naming bahay so yun pong address na nasa prosecutor hindi na po kami dun nakatira. Ngayon po di namin alam kung ano pong sabi sa sulat since di po namin natanggap. Ano po dapat naming gawin? 80k po yung utang namin dun sa kaso at sabi may warrant of arrest na daw po, hindi po kasi kami makapagapply ng trabaho ngbackground check po may kaso daw pero sa nbi wala naman pong nakalagay. Naghihingi po sila ng final verdict ng judge. Thanks po! Sana po may sumagot need help lang po thanks

2ESTAFA please help Empty Re: ESTAFA please help Thu Apr 23, 2015 9:53 am

LandOwner12


Reclusion Perpetua

ang best way dyan is ayusin nyo yong kaso,
since sabi mo nga, eh affected na yong paghahanap mo ng work.
inform c prosecutor of your new address, kasi need nyo rin malaman ang verdict, unless ayaw mo malaman,, so paano nyo malalaman kung wala kayong way to know..
pwede kayo hingi ng copy, if napadala na sa old residence nyo...

good luck..

3ESTAFA please help Empty Re: ESTAFA please help Wed Jun 03, 2015 3:32 am

jc2009mahalko


Arresto Menor

ask ko lang po pwde po ba naming ireklamo o kasuhan ang taong tumakas at di nagbayad samin nang loan nya na halagang 10k , ngyn po sila na pa po ung matapang kapang sinisingil at sa pagkakataonna ito pinag tataguan na po kami anu pong dapat namin gawin?

4ESTAFA please help Empty Re: ESTAFA please help Wed Jun 03, 2015 9:08 am

LandOwner12


Reclusion Perpetua

pwede,
dalhin nyo muna sa branggay,
if no effect,
then file nyo sa lower court,
yong sa small claims court, walan need ng attorney dito,,

5ESTAFA please help Empty Re: ESTAFA please help Wed Jun 03, 2015 11:10 am

raheemerick

raheemerick
Reclusion Perpetua

yung small claim na sinasabi ni master landowner..

hndi nyo na need ng lawyer dito.. for about atleast 3 hearings sa complainant which is side nyo, saka sa respondent na may utang sa inyo.. dito mag decide ang court sa term ng bayaran kung sakaling mapatunuyan nga ang complain nyo sa usaping utang.


then nxt time.. ako naman pautangin mo:)


matang lawin bka may umepal nanaman hahaha

6ESTAFA please help Empty Re: ESTAFA please help Mon Jun 22, 2015 10:58 am

Richardmendoza7577@yahoo.


Arresto Menor

stafa narin po b matatawag pag ang isang tao pinadalhan m ng pera para pambili ng mga bagay tapos hindi nya binili ginamit nya sa pang sarili nya pero nangako nman siya n mag babayad tapos binigyan m ng panahon anim n buwan pero Wl parin bayad kahit singko? Eto po Ay nangyari sa akin at sa mga kasamahan q sa trabaho dito sa oman ang pinadalhan q ng pera ang dati q kapit bahay sa malabon n nag trabaho sa dubai sa dubai q pinadala ang pera sa name nya halagang 85k sa peso.nagalit sakin mga kasamahan q kc inisip Nila n plan q n lukohin sila at itakbo ang pera pambili ng mga bike.marami nagalit at nawala ang tiwAla ng mga kasama q sa trabaho sakin at pinilit nila aq bayaran yon sa kanila kaya napilitan din aq bayaran dahil aq ang nag kolekta sa kanila ng pera para wl gulo.ngayon po hihinge po aq sa inyo ng advice ano po b ang maganda q gawin nabalitaan q nasa pinas n daw ang tao n yon baka ngayon buwan daw bumalik sa dubai.may pag Asa pa po b aq n mabayaran nya aq?

7ESTAFA please help Empty Re: ESTAFA please help Mon Jun 22, 2015 11:06 am

raheemerick

raheemerick
Reclusion Perpetua

study mo ito bro!! Smile

Nasa Sec. 20, Art. III ng 1987 Constitution that "no person shall be imprisoned for non-payment of debt." Pero kung ang pag-utang ay may kasama o gawa ng pagtalbog ng kanyang tseke para kabayaran sa utang, panloloko upang makautang o pangeestafa, hindi pagbabalik ng pinagbentahan under trust receipt o paggamit ng credit card at pagtatago pagkatapos gamitin ito ay may karampatang parusa na kulong.

Gayunpaman, sa Pilipinas, ang simpleng utang na hindi lalagpas sa P100,000 ay pwede nang singilin sa Court of Small Claims kung saan hindi na kailangan ng abogado under Supreme Court Administrative Matter No. 08-8-7-SC otherwise known as “Rule of procedure for small claims cases”:

Ang Small Claims Court ay tinatag ng Supreme Court upang maging mabilis at matipid ang paniningil ng utang na hindi lalagpas sa P100,000.00.
Under S.C. Administrative Matter No. 08-8-7 otherwise known as "Rule of Procedure for Small Claims Cases", ang isang utang galing sa pagpapaupa, pagpapahiram ng pera, serbisyo na ginawa, bentahan, sanglaan, kapabayaan o kontrata na ang sinisingil ay hindi lalagpas sa P100,000 ay pwedeng isampa sa Metropolitan Trial Court - Court of Small Claims kung saan gagawa lang ng complaint ang naniningil at agad na pasasagutin ang umutang.
Pagkatapos ng isang hearing ay magdedesisyon na kinabukasan ang korte sa kaso. Nasa Section 17 din ng rules na ito na bawal ang mga lawyer sa ganitong kaso except kung ang lawyer mismo ang nagsampa o sinampahan ng kaso


8ESTAFA please help Empty Re: ESTAFA please help Mon Jun 22, 2015 11:22 am

Richardmendoza7577@yahoo.


Arresto Menor

Salamat bro. Try pag uwi q.

9ESTAFA please help Empty Re: ESTAFA please help Mon Jun 22, 2015 11:44 am

Richardmendoza7577@yahoo.


Arresto Menor

Mayron p po aq tanong accept po Kaya ng metropolitan trial court ang evidence q n resibo ng remittance n pinagpadalahan q ng pera sa name nya at ang mga kasamahan q na tistigo friend q sa fb yon nalang communication namin kc malalayo ang lugar namin,sapat n po b yon? Salamat po ulit.

10ESTAFA please help Empty Re: ESTAFA please help Mon Jun 22, 2015 11:57 am

raheemerick

raheemerick
Reclusion Perpetua

yes maari and it can serve you with that.
but remember sa loob ng korte.. sinusukat ang bawat ebidensya na ihahain.

detalyado sa lahat ng anggulo.

mga testimonya ng saksi kasama ang kredibilidad neto.

sa ano mang hawak mo ng katibayan at ebidensya. kalakip ang konbersation na patunay sa akusasyon mo.

siguraduhin na hndi nya ito mapapasinungalingan kung sya ay may hawak ding ano mang katibayan kontra sa opensa mo.

11ESTAFA please help Empty Re: ESTAFA please help Tue Jun 23, 2015 3:11 am

Richardmendoza7577@yahoo.


Arresto Menor

Ok bro. Tnx

12ESTAFA please help Empty Re: ESTAFA please help Wed Jun 24, 2015 6:57 pm

jennyabalos@hotmail.com


Arresto Menor

Question po...what nagloan then ang initial agreement eh ibabawas sa sahod since kinuha po yung payroll atm..humingi po ng guaranty check..nagkaproblema ako sa sahod...dun po nila dineposit uung check...so tumalbog po yun check bp 22 yun po dba? Pero iz that considered estafa na din? Tama po ba na maeron time frame na isettle yun nagbounce na check from the day na inadvise or notify ka nila?

13ESTAFA please help Empty Re: ESTAFA please help Tue Jun 30, 2015 1:30 pm

jennyabalos@hotmail.com


Arresto Menor

How much po Bail if 7000.00 yungcheck na nagbounce?

14ESTAFA please help Empty Re: ESTAFA please help Tue Jun 30, 2015 9:48 pm

norman.adriano


Arresto Menor

Good evening Please help us.
Magandang gabi po,

May nais lang po ako idulog. Kaninang umaga po nakatanggap po kami ng tawag mula sa isang Chief Inspector sa Camp Bagong Diwa, may kaso daw po na Estafa ang aking asawa, at ang nakakagulat lingid po sa aming kaalaman lalo na sa aking asawa ang naturang demanda. At ang mas nakakagulat po di namin alam kung sino at san nang galing ang nasabing kaso tinanong din namin po yung tumawag na chief inspector tinanong namin kung sino ang nagsampa, di nya din alam at pangalan lang ng Atty. ang binigay nya na tatawagan namin. Ano po ang dapat naming gawin sobra na po akong nai-stress, sana matulungan nyo po kami...

Salamat po Smile

15ESTAFA please help Empty Re: ESTAFA please help Tue Jun 30, 2015 9:49 pm

norman.adriano


Arresto Menor

Good evening Please help us.
Magandang gabi po,

May nais lang po ako idulog. Kaninang umaga po nakatanggap po kami ng tawag mula sa isang Chief Inspector sa Camp Bagong Diwa, may kaso daw po na Estafa ang aking asawa, at ang nakakagulat lingid po sa aming kaalaman lalo na sa aking asawa ang naturang demanda. At ang mas nakakagulat po di namin alam kung sino at san nang galing ang nasabing kaso tinanong din namin po yung tumawag na chief inspector tinanong namin kung sino ang nagsampa, di nya din alam at pangalan lang ng Atty. ang binigay nya na tatawagan namin. Ano po ang dapat naming gawin sobra na po akong nai-stress, sana matulungan nyo po kami...

Salamat po Smile

16ESTAFA please help Empty Re: ESTAFA please help Tue Jun 30, 2015 9:56 pm

technified_ex

technified_ex
Prision Correccional

You hve 5 days to comply upon notice of dishonor ng check. Bail is with the discretion of the court as to how much.
As for the estafa, the elements is with the intent to defraud, there is a contract entered upon. You fall under the category 2b

2. By means of any of the following false pretenses or fraudulent acts executed prior to or simultaneously with the commission of the fraud:

(a) By using fictitious name, or falsely pretending to possess power, influence, qualifications, property, credit, agency, business or imaginary transactions, or by means of other similar deceits.chanrobles vi

17ESTAFA please help Empty Re: ESTAFA please help Tue Jun 30, 2015 10:03 pm

norman.adriano


Arresto Menor

We actually don't know what is the reason kung bakit kinasuhan ng Estafa asawa ko. Sobrang clueless kami.

18ESTAFA please help Empty Re: ESTAFA please help Tue Jun 30, 2015 10:04 pm

norman.adriano


Arresto Menor

Thank you for the respond Smile

19ESTAFA please help Empty Re: ESTAFA please help Tue Jun 30, 2015 10:05 pm

technified_ex

technified_ex
Prision Correccional

@norman

If your wife is really innocent, you have nothing to be afraid of. Just be sure to attend the hearing, you will know who is the complainant there. Beside your wife is innocent until proven guilty. That is why you are afforded a day in court to prove your innocense

20ESTAFA please help Empty Re: ESTAFA please help Tue Jun 30, 2015 11:36 pm

norman.adriano


Arresto Menor

Sino ba dapat namin makausap, sabi kasi nung chief inspector kausapin namin yung atty. na nagforward nung kaso sa kanya. Diba dapat yung complainant ang need namin makausap?

21ESTAFA please help Empty Re: ESTAFA please help Wed Jul 01, 2015 10:19 am

technified_ex

technified_ex
Prision Correccional

If youre in the same barangay with the complainant, the case will not prosper against you. Because of the requirements of mediation in barangay. You dnt need to talk to the lawyer of complainant. Chances are, the lawyer would just instill in your mind fear of the expenses of litigation, and would advice you to settle. Again if you really are innocent, there is nothing to be afraid of

22ESTAFA please help Empty Estafa Case Wed Jul 08, 2015 9:37 am

christinecorpin016


Arresto Menor

ask ko lang po about po ito sa estafa case ng mama ko. last year po kase nag file samen mag ina yung complainant ng estafa case umatend po ako sa hearing yung mama ko po hindi kase since then till now wala na kame contact sakanya so di nya alam yung kaso na finile sakanya ,yung case ko po na dismissed so saken okay na po yung sa mama ko di ko na alam ang nangyari after a year nagulat ako kase may kumalat sa social media na picture ng mama ko na may nakalagay na wanted at yung copy ng warrant of arrest so nagulat ako kase may warrant na pala mama ko at nakalagay dun na parang dinala sa bahay yung warrant pero di naibigay sa tao kase wala na nga dun yung tao na pagbigyan ng papel eh wala naman po pumunta sa bahay nun na pulis or what para ihain yung warrant eh nandun naman lola ko nun. gusto ko sana mangyari para tumigil na sila sa pagkalat ng picture ng mother ko hulugan ko na lang sila every month sa pera na yun. pwede po kaya yun? tsaka saan ako pwede lumapit if ever ganun gagawin ko? apektado na kase kame ng kapatid ko sa nangyayari lalo na kumalat yung picture sa social media, so nagdecide na lang ako na ako na lang magshoulder nung pag hulog sa pera para na lang din matahimik buhay namen magkapatid. salamat sa pgresponse.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum