some of my friends who are also his friends invested as early as March, pero ako ay nuong June 29 pa lang. May naalok kasi ako na kaibigan ko din na may investment sa mga ortho practitioners ng kumikita ng ganun kalaki na 50%, but i only declared 35% monthly returns para commission ko ung remaining 15%.
July 28 dapat due date na ng investment namin which was P100,000 na supposedly ay kikita ng P50,000 monthly. Sabi ni doc, sa Aug 1, 2012 daw ang due date ko. dumating ang Aug 1, he asked na sa Aug 3 daw kasi may mga konting problema sa company daw. Taz he asked na sa Aug 6 na, den Aug 10, na naging Aug 20, at sa katapusan na naman daw ng August. Humingi na naman sya ng 2 weeks after Aug 31.
Nung magkaproblema na sa payment ng interest as early as 1st week of Aug of this year, I asked some of our friends who had invested to him, lahat sila ay unanimous na hinahanap din nila si doc dahil nakuhaan din sla ng pera na wala namang interest na nababayaran at pati principal ay hindi din nababalik. Dun ko pa lang narealized na nascam nga kami.
problema ko ung may ari ng pera ay binabawi na ang pera, na nabigyan ko na ng P50,000 out of my own money, and asked na Sep 15 ay babayaran ko sya ng buo. Hopefully by sep 15, babayaran ko sya ng remaining P50,000 sa principal plus the agreed P35,000. imbes na kumita ako, ako pa nawalan ng pera tuloy.
Considering na madami kaming magkakaibigan na naloko nitong nagpapanggap na doctor dahil may pinapakita pa syang PRC ID, at lahat willing magsampa ng kaso laban sa kanya, pwede ba sa syndicated estafa or plain estafa lang?
At ibaiba ung dates ng paginvest namin at sa ibaibang lugar nya nakuha sa metro manila ang pera namin, san ba kami dapat magsampa na kaso? Ung sa iba may napirmahan syang acknowledgment, although ung sa akin ay wala syang pinirmahan na acknowledgment receipt. is it enough na may napirmahan syang acknowledgment receipt sa iba pero wala naman sa iba kagaya ko? may laban ba kami considering na madami kami at pare-pareho ang complaints? at pwede din ba kmi humingi ng HDO sa immigration baka kasi lumabas sya na Pilipinas.