we bought 2 units ng Sony Xperia na waterproof series last March 27. kinabukasan nagswimming kami then pinasok ng tubig yung isang phone pero yung isa okay pa naman, yung isa hindi na gumana at nasira. March 29, dinala namin sa Sony (sa xperia namin sya mismo binili) and advised to wait for 10 working days hindi kasama yung holy week. Kahapon lang sila nagstart magupdate (april 12). kanina (april13) tumawag ulit sila then sinabi na possible daw na mavoid yung warranty kasi pinasok ng tubig yung unit. for real? e ang iniinsist ko nga e palitan ng new unit dahil the fact na pinasok siya ng tubig, defect yun. pero hindi pa daw sure yun. now, in case na i-void nila yung warranty, ano po ba legal advice niyo? ano po ba pwede ko gawin? i was freaking out kasi hindi biro yung halagang pinambili ko dun tapos isang gabi ko lang nagamit, hindi ko pa masyado naenjoy. please help me kung anong laban ko sa case na to. thanks