ngayon eto ang isue. nag iinarte itong si current live-in na si kulas. kasi. ina-alala nya na baka pag umpukan ng mga echoserang palaka itong si kulasa kapag nalaman ng iba, na iba-iba ang tatay ng mga junakids nya. ayaw lang ni kulas na tingnan ng ibang tao si kulasa sa hindi magandang paraan. at dahil nag sumpaan na mag sasama hanggang sa wakas itong si kulasa at kulas at nangako sa harap ng punong santol na mag sasama bilang mag asawa. nais ni kulas na kahit papano ay mag karon sila ng isang pangalan. since wala pang record sa kahit saan itong batang anak ni kulafu kay kulasa.., naiisp ni kulas na ipa late register ang birth certificate ng bata at ipagamit ang apleyido ni kulas. para kahit papano, yung anak lng ni kurdapyo ang naiba apelyido. at yung anak ni kulas at kulafu ay parehong mag dadala ng apelyido ni kulas na kasalukuyan namang kinikilalang daddy nung 4 years old na bata. since wla pa naman kasi record yung bata sa kahit saan maliban sa original na birth cert nito. nais lng ni kulas na maging maayos kahit sa gantong paraan man lng. wory lng ni kulasa ay baka mag ka problema o ma habla sila sa kung anong kaso kapag ginawa nila ito. pero pwde naman diba? late registraion at i acknowledge ni kulas ang bata. panget kase tingnan.. 3 bata mag kakaiba apelyido? parang de-color de-rosas lng:) any advice and option? Gustuhin man kasi ni kulas at kulasa mag pakasal? Di naman pwde. Kasi kasal ang bruha sa una nyang asawa na si kurdapyo. Di naman keri ni kulas ang gastos sa anulment.