1. yearly po nagkakaroon po kami ng Group Incentives or Bunos para sa support group..matagal na din po itong praktis sa katunayan makailang beses na akong nakatanggap simula nung pumasok ako sa company. Last year po inalis ang nasabing incentive ng walang paliwanag. Applicable po ba dito ang Non diminution of benefits? If ever pong applicable sa papaanong paraan naming pwedeng iinsist para maibigay sa mga nasa support group?
2. Nung nakaraang buwan nag file po ako ng dalawang araw na Emergency Leave sa kadahilanang tumawag po ang aking ina para dalhin ang aking tatay sa ospital. Nung sumunod na lingo tinawagan po ulit ako para ilipat naman daw po sa isang modernong ospital dahil kailangan ng madalian pag gagamot. Ang sakit po ng tatay ko ay gouty nephropathy (gout or osteoarthritis na nagka komplikasyon sa kidney na kailangan ng every other day hemodialysis saka po nagkaroon na din ng type 2 diabetis and jaundice na kinailangan dagdagan ng dugo). Nung natanggap ko po ang sahod ko bawas ng [b]2days, ginawa po pala nilang unpaid leave ng di nila sinasabi sa akin. Tama po bang hindi I honor ng HR ang EL ko kahit may approval naman po ng immediate superior ko? Ang sinasabi po nila sa akin gawin ko na lang daw pong vacation leave instead na emergency leave. Tama din po bang I alter ng HR ang mga leave na ipinapasa namin like yung sick leave para sa check up gagawing vacation leave? salamat po