Itatanung ko lang po, kung anu ang coverage ng child support, ang ex-livein partner ko kasi, inasunto ako sa barangay at balak pa dalhin sa korte ang paghingi ng suporta, ako po kasi ay walang regular na work, pasideline sideline lang, sa kasalukuyan po, magulang at kapatid ko ang nagbibigay ng pangangailangan ng 2 kong anak, kapag naman nakakasideline ako, nagbibigay ako. Ang tanung ko po, sabi kasi nya, ayun daw sa batas kapag hindi ko daw magawang magbigay g sustento, e aakuin daw ng pamilya ko ( magulang at kapatid ) ? Tapos po like nya e fixed date at fixed amount ang pagbibigay ng magulang at kapatid ko.