Sa aking trabaho bilang Graphic Designer pumirma ako sa kontrata ng partikular na kumpanya (A) na ito. Ngunit ng tumungtong na ako sa Probation, mayroong pinagawa ang Supervisor ko na poster para sa isa pang business (XX) ng kumpanya (A) na ito pero sa ilalim iyon ng ibang pangalan ng kumpanya (B). Hanggang nasundan na ng nasundan at halos ung kumpanya (B), business (XX) na ung ginagawan ko na lang ng design, photoshoot, napakaraming revision, paghabol sa budget para sa poster, etc. Lumipas pa ang mga buwan dumagdag ng bago na naman na business (YY) at business (ZZ) sa ilalim ng kumpanya (B). Halos dalawang linggong rush ang mga collaterals at design na kailangan. Nahupa ang lahat balik sa orihinal na kumpanya (A) na ang ginagawan ko. Ngunit madalas din nagkakaron ng maraming bagay na ginagawan pa rin ng trabaho ang ibang business at kumpanya. Ano po ba ang tawag sa taktika nila na ito?
Sa ngayon total na 3 kumpanya, at abot na 5 business ang mayroon sila. Daing ko lang ay sa dami dami ng ginagawan ko ng trabaho may panahon na pati pag gupit ng label para sa produkto, Graphics na ang gumawa. Abot ng 400, 800, 1500 piraso na ang nagupit ng mga kamay ko. Nagulat lang ako na umabot sa ganito ang Job description ko. Nabanggit na namin ito sa Supervisor namin na dapat nag outsource na lang, ngunit sinasabi na hindi aabot ng minimum printing pang outsource. Pinagtiyagaan namin ng kasama ko sa Graphics at isang Web developer ang pag gupit.
Ayoko na talaga na maulit ito. Paano ba ako hihindi sa ganito? Medio magulo. Pero ang naiisip ko lang talaga is mag resign na. Dahil na rin sa baba ng sahod. Gusto ko lang din na maipaalam sa kanila na sobra na yung mga pinapatrabaho sa Graphics na dapat sa Labeling Dept binibigay.
Sana matulungan niyo ako.
Salamat.