In line with direction on Direct to Retailer Program campaign, may we inform you that retailers whose names appear in the attached initial list shall now be directly served by the territorial distributor through its DSPs effective November 13, 2010.
As such, you are expected to completely turn-over these outlets.The turnover shall mean exclusive transaction by these outlets with the territorial distributor.
Ako po ay tatanggalin na dealer kapag hindi po ako susunod.
Sa initial list palang po ay nakalagay ang 53 retailers na mahigit 3 years na po na aking suki,at ito ay mahigit na sa 50% ng total na suki ko,at karamihan pa ay aking kamag-anak, ninong at ninang at kapitbahay.
Noong nag-umpisa po ako nagkapital ako ng mahigit 100k, sa pagbili ng tie-up nila ng retailer sims at regular sims na karamihan ay ngexpire din dahil sa dami hindi lahat nabenta.Ako po ay authorized na dealer nila ng 6 years na.
Inutusan kami nung una na magrota sa lahat ng sulok para masaturate namin ang area na aking ginawa, noong nakita nila na malaki na ang aking benta naglagay sila ng DSP(ahente) sa area ko,bumaba ang aking benta pero hindi ako nagreklamo.Sa paglipas ng panahon lumalakas ulit ang benta ko kasi sa kalokohan na ginawa ng ibang DSPs nila kaya bumalik sa akin ang ibanng retailers na nakuha nila.
Ngayon hirap na sila kumuha ng retailers kasi naka-establish na ako ng magandang relasyon sa aking retailers ngayon sapilitan na nilang kinukuha ang aking retailers. May karapatan po ba ko?Tama po ba ang ginagawa nila?Kung hindi, saang ahensya dapat ako dumulog?Salamat po.