Mag 7 years na simula ng makasal ako pero hanggang ngayon consistent pa rin nanggugulo yung girl sa labas ng bahay namin. Every week nanggugulo sa compound namin at gumagawa ng kwento. Nakatira ako ngaun sa magulang ko matagal na.
Dahil napagalaman ko po na iisa lang kami ng brgy (lumipat malapit sa place namin) at dahil di ko pa ho afford ang annulment, may nagsasabi na pwede humingi ng tulong sa baranggay na kung saan pwede magkaron ng hearing or meeting na paghihiwalayin kayo kung may solid na di pagkakaunawaan talaga o tinatawag n irreconcilable difference.
May power daw ang brgy na paghiwalayin at magtakda ng distance para di makalapit o makapanggulo sa residence. Totoo ho ba ito? At kung totoo, ano ho magiging sanction ng girl pag manggulo ulit at higit sa lahat, ano ho ang laban ko since ako yung lalaki?