then 3 years ago po, namatay ang lolo namin. dahil kinulang po sa pagpapalibing, pinabayaran na po ng mga tiyahin namin yung lupang tinatayuan ng bahay namin pati po yung tinatayuan ng bahay na nabili nina ate. kasi po yun ang gagamitin pambayad.
bale yung bahay po ay pinauupahan nina ate, hanggang yung bunsong kapatid na nanay ko yung umupa. ngayon po, gusto ng tiyahin ko na bilhin na ang bahay at lupa kahit hindi naman ipinagbibili. nagsabi pa sila na pag hindi pumayag na bilhin ay patirahin sila ng libre. pinipilit nila na bago daw ang apo, ang anak muna ang dapat makabili. nagkataon lang na wala silang pera nung time na binenta yun ng isang kapatid nila, at ngayon lang sila nagkapera.
ang tanong ko po, sa bilihan ng lupa, wala ba talaga karapatan ang apo na bumili? may batas po na nagsasabi ng ganun? maoobliga po ba talaga sina ate na ibenta na lang yung bahay at lupa? kung sakali po ba may habol pa ba sila kahit binayaran na naman yung lupa at ginamit yun sa pagpapalibing ng lolo namin.