Ako po si Ernie Duran Divinagracia 34 years old married po nakatira sa baliuag bulakan, hinge lang po sana ako ng legal advice po kung ano po ba ang dapat kung gawin para matapos na tong claim na ginawa sa amin ng pinsan ng papa ko, bale ganito po ang scenario: Ang Lola ko ay nagmamay-ari ng mahigit 5 hectar na lupa year back 1970 at sa lupa na nasabi ay nakatira po kami higit sa 45 years na jan hangang ngyon kasama ang mga tanim namin na niugan at iba pang kalse ng tanim, ang nangyari po nagkagipit ang lola ko at kailangan nya ng pera kaya naisangla nya sa bangko ang lupa at inabot ng mahabang panahon at hindi nya ito natubos, ngyon po itong kapatid ng lola ko sya ngayon yong nagka interes na tubusin ang lupa sa bangko year back 1990..nagdaan ang maraming taon namatay ang lola ko year 1996 at ng pagkamatay nito kini claim na po ngyon ng kapatid ng lola ko ang lupa kc siya nga daw nagtubos sa bangko, ang nangyari po itong papa ko kasama ng 5 pang kapatid ay nagkasuhan sa nasabing lupa kung sino nga ba talaga ang may karapatan sa lupa...tapos ang nangyari sa kaso ay nabaon nalang sa walang matinong resulta kc umatras tong mga kapatid ng papa ko dala ng walang panustos na pinansyal sa abogado at iba pang lakad lakad,,hangang sa wala na po kaming ideya kong ano na ang naging resulta sa kaso...tapos nalaman ko nalang na yong lupa na 5 hectar sila na po ang naka position at 3/4 hectar po ang nasa amin ngyn kc yan yong lugar na matagal na kami nakatira at nong wala pang nanyaring sangla sa bangko nyan kasama yan sa 5 hectar..
Ngayon po dumating yong time na namatay yong kapatid ng lola ko na sabi sya daw ang nagtubos sa bangko year back 2002..
Ngyon po ng namatay naman yong mga magulang ko year 2012 few months after namin maisaayos yong pagkamatay ng magulang namin, muli po kaming binalikan ng mga anak ng namatay na nakatubos daw ng lupa kasi babawiin na daw nila ang lupa..kasabay ng pagpapakita nila ng land title na naka pangalan sa tatay nila na si Gonzalo Moso
Sa ganitong situation po ano ano po bang mga documento ang kailangan kung hingiin sa kanila as proof na sila na nga ang may ari ng lupa?
Dapat po ba namin e give up ang lupang 3/4 na meron kami ngyon sa tagal na namin nakatira jan as witness din yong mga tanim naming niugan?
Kung halimbawa man babayaran nila yong mga taniman namin at yong iba pang dapat bayaran nila, anu-ano po yon?
Sa paghahanap ko po ng legal basis sa kanila or dokomento bago ko e give up ang lupa makakasuhan ba nila ako samantalang ang ginagawa ko lang naman is yong legal na proseso bago ko e give up?
Sana po mabigyan nyo ng pansin matulungan nyo ako..
Note: Ako po ay bunso sa anim na magkapatid at ako lang po ang nakatapos ng pag-aaral, mga iba ko pong kapatid ay takot sa ganitong usapin kaya ako na ang naglakas loob na e check kung hangang saan ang karapatan namin..wala na po kaming mga magulang...