Good morning, gusto ko lang po sana magtanong regarding sa mga documents na kailangan ng NHA. Single mother po ako with 3 kids. Nasunugan po kami noong dec.2012, nung mga panahon na un, nasa abroad po ako. Ngaun po nagbigay ang NHA ng tirahan dun ulit sa aming lugar, kasi po owner po ako dun. Kasalukuyan po andito na ako sa pinas, dumating po ako noong sept. 1, 2014, nakapagpasa na rin po ako ng mga requirements na kailangan. Ngunit may kulang pa raw po ITR, wala po akong ITR na maibibigay, kasi po ang tanging pinagkakakitaan ko lang ay ang pagtitinda ng kung ano ano, malakas naman po ang kita ko. May isa pa po kaming pinagkukunan ng pera, ay yung padala ng ex-husband ko, hindi po kami legal na separate. Nakakapagpadala po sya sa amin ng sustento buwan buwan ng 15,000 pataas.. paano po ba dapat kong gawin.. salamat po
Free Legal Advice Philippines