Janes:
Gud am po..hingi lng po ng advice,
pwd ho bang ang father ang kukupkop sa bata na illegitimate...ganito po kc ang sitwasyon:
ngkaanak xa sa past gf nya at ngkahiwalay sila matapos manganak ang babae....for six yrs saka lng po humingi ng sustento ang girl at may asawa na itong boy...kesa na man mgbigay sya ng sustento ay sya na lng itong kukupkop sa bata at patitirahin sa bahay ng boy kasi wla na mn pong maayos na trabaho ang girl at umaasa lng sa parents nia..Pwd ho bng ganito?khit na sa batas ay nakapaloob na ang nanay tlaga ang may karapatan sa bata?
Pls help po..
alam mo sa mata ng batas, ang ama ay ama, kesyo ang bata ay lehitimo o hindi o isang ampon lamang.
Sinabi mo na walang kakayanan nag ina ng bata na magbigay ng kaukulang sustento o supporta (ang kadahilanan ay hindi mo isinaad dito). Gayon pa man, kung mapapag-usapan ng matino sa panig nung lalaki at babae, na ang bata ay kukupkupin ng ama at kasama na rin ang suporta dito ay wala akong nakikitang problema kung bukal sa kalooban ng ina. Mapag uusapan na din, ang regular na pagbisita ng ina para isang upuan na lamang ang usapan.
Ang isipin na lamang at tanging gabay sa pangyayari na ito ay ang ikakagaganda ng normal na paglaki ng bata o yung tinatawag na best interest of the child.
salamat sa pagkakataon na ibinigay mo sa akin sa pagsagot sa iyong katanungan. Hindi nangangahulugan na tama ang sinasabi ko sa iyo kaya may laya ka rin na magtanong pa sa iba sa forum na ito.