I purchase a pre-selling house and lot dito sa Cavite last October 2011, actually ang plan ko sana July of that year pa lang ay kukuha na ako, kaya lang my agent advised me na hindi sila nag pa PAG-IBIG financing that time, so hindi ako kumuha muna dhil ang preferred ko nga is PAG-IBIG financing. Then came Oct 2011 nga, i was advised by my agent na pwede na sila mag PAG-IBIG financing as long as yung Total Contract Price ng bahay is less than 1M. The house and lot that i purchased has a TCP of 924K, which is pasok sa qualifier nila for PAG-IBIG financing kaya kumuha na ako by that time. So 2012 natapos ko yung payment ko ng equity ko (10% of TCP payable in 12 mos) and naka 2 years na rin ako ng pagbabayad ng monthly amortization. Ang sv ng agent ko noon, kelangan mailipat q sya sa pag-ibig financing within the first 2 years of paying my amortization, pro hndi q yun ngwa dhl yung title ng bahay at lupa ay hindi pa segregated, kumbaga mother title palang ang available which is d nmn i hohonor ni pag-ibig. So nag try ako mag follow up monthly...until ngng available sya nung huling buwan na ng pgbabayad ko ng first 2 years amortization (nov 2014). So, lakad ako ng mga requirements ko, pro si developer ang daming sinasabi sa akin na kesyo dw hndi nila tina transfer sa PAG IBIG finacing yung subdivision wherein kumuha ako ng bahay. I went to PAG-IBIG office at sinabi nila na wala naman daw silang alam na problema ng developer ko sa Pag-ibig, kaya yung officer nila nag advise sa akin na ako na ang maglakad ng papers at subukan ko dahil ang makakasagot naman nun kung approve or hindi ay yung mag aassess ng bahay ko.
Ilang beses ako nagpabalik balik ng office ng developer ko pra ma complete ko lng yng mga kelangang requirements, pro ang dami parin nla sinasabi para lang ma delay yung mga docs na kelangan ko. But came Dec 2014, nakumpleto ko din lahat ng mga kelangang requirements at nakapag file na ako ng housing loan sa PAG-IBIG.
Last Feb 4, 2015 i received a notice from PAG-IBIG na APPROVED na daw yung loan ko at may mga documents lang ulit na kelangan i submit para ma release yung check at maibgay na sa developer ko..
So, i went sa office ng developer ko at bngay ko yung LETTER OF GUARANTY na galing sa PAG-IBIG. Afterwards, kinausap ako ng Accounts Officer namin at sinasabi nya na hindi daw tlg nila nililipat for PAG-IBIG financing yung subdivision kung saan ako kumuha ng property. I asked how come na na approve ako at anung problema bkt hndi nila ma transfer sa PAG-IBIG financing. Sv nung accounts officer is dahil daw sa RIGHT OF WAY...which is hindi ko maintindihan kung ano yun...at saka bakit ako i aapprove ni PAG-IBIG kung may technical problem pala si developer? Ayaw din nila mag comply dun sa 90 days na bnbgay skn ni PAG-IBIG para macomplete ung requirements...dahil sabi nila it will take max of 8 months bgo nila yun ma provide lahat. E paano yun pag hndi ko na complete yung requirements na kelangan within 90 days ay ma ca cancel yung loan ko...at kelangan ko na lang mag re-file ng loan, which is ayaw ko na gawin dahil sobrang hassle, toxic at gastos nun dhl sa pinapaikot lang ako ng developer ko sa 2 offices nila (ALABANG & MANDALUYONG)...ano po ba ang pwede kong gawin para makuha ko yung kelangan kong mga requirements? May impact po ba tlg yung sinasabi nilang issue sa RIGHT OF WAY kahit na approved na yung loan ko sa PAG-IBIG? Pwede ko din po ba i pull out yung mga post dated checks ko habang pinaprocess sya? Maraming Salamat po sa sasagot, hndi na po ako makatulog dahil dito...sana may makatulong po. Salamat.