Kinasuhan ko po yung tatay ng 3 kong anak (5,2,and 6 months) ng RA 9262 may lumabas na po na resolusyon last August 2014 at nakitaan po ng probable cause for Economic Abuse. Nakapag pyansa na din po sya under surity bond. Pero until now po binabaliwala nila yung kaso. Ang dahilan po nila ay "Bakit pa daw po magbibigay ng suporta e nakademanda na) pangatlong paghaharap na po namin sa rtc sa March 31 2015. Tanong ko po:
1.Pwede ko po ba dagdagan kaso nya ung RA 7610?
2.Pwede ko din po ba ireklamo ang mga magulang nya na numero unong naharang at ayaw pasuportahan ang mga bata? naturingang Public Teacher at Pulis pa man din. Gusto ko po kasi ipakulong nalang ng diretso para matuto sila na hindiclahat kaya nila tutal po hindi naman sila tao kausap.
3.Tama po ba na irason nya/nila palagi na "Walang Pera" "Walang Trabaho" "Maliit ang sahod" pero panay nman po ang pagpapasarap sa buhay
4.Maari po ba sya makulong nalang talaga?
Sana po ma payuhan nyo ko.
Salamat po.