Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.
raheemerick wrote:hndi masama ang mistress o sumunod na asawa matapos ang una. tanging relihiyon lamang sa kristyanismo ang nag mulat sa mata ng tao na masamang ituring ito. at pinag tibay ng batas ng tao base sa kanilang paniniwala na turo ng mga scholar ng kristyanismo. isang lalake para sa isang babae. nag iisa si eba para lamang kay adan na nag iisang lalake din ng mga panahong yaon. ang litanyang yan ay inintindi sa literal na paraan at at ayn daw sa mga scholar ng kristyanismo. nangangahulugan lng ito na ang isang lalake ay para lng sa iisang babae. subalit kung iisipin. wlang hayagan o tahsang utos sa banal na bibliya ang gantong kautusan. tanging ito ay minana lng na karunungan at paniniwala sa mga romano at kristyanismo. kung ididiin nila ang litanyang yaan sa bibliya para panindigan na ang pag kakaron ng sumunod na asawa ay masama? eh di nangangahulgan din na ang ilang propeta ay moral na nag kasala? dahil gaya na lng ng panahon ni abraham ng una nyang mapangasawa si sarah? hndi bat ng hndi sya mabigyan ng manang pangalan nito ay muli syang nag asawa ng pangalawa? at ito ay si hagar. (saws)anyway highlights lng ng aking pananaw ayun sa aral. wlang masama na mag karon ng pangalwang asawa o higit pa. kung ang lalake ay may kakayanan sa finacial at pisikal. subalit kung ito ay gagawin ng wlang sapat na dahilan? ito ay pag babayaran sa mata ng lumikha. subalit kung ang lalake ay nakukulanagan sa kanilang asawa? karapatan nya ang mag hanap ng ikalawa. maaring ito ay kasalanan sa batas ng tao. pero hindi sa batas ng dyos.
jd888 wrote:Napapanahon na ang pagtalakay sa Divorce Bill. Meron tayong kababayan na naging "Impeyerno" ang buhay nila sa piling nang nanakit at nag-a-aliping asawa; Ang gustong makipag-diborsyo ay nagkakahulugan ng malalim na sugat sa pagitan ng mag-asawa. Sino ba naman ang ayaw ng maayos at matiwasay na pamumuhay kapiling ang isang natatanging nagmamagal at nag-arugang asawa? Ang batas ay dapat maproteksyunan din ang karapatang-pantao ng bawat indibidwal kasama na ang "Kuno" pinag-isa ng batas ng tao. Mapa-Muslim man o Kristiyano, tayo ay nilalang nang Diyos na maykarapatang umibig at ibigin; tayo ay nakakaramdam ng sakit at pighati, tayo ay pinagbubuklod ng isang mithiin, walang iba kundi ang magkaroon ng mabuting kasama sa buhay at mabuhay sa pagmamahal at maayos na pamayanan.
raheemerick wrote:nope my friend concepab, weder first wife or even 2nd or 3rd up to 4th. its consider as wife's.. no mistres at lahat pantay pantay ang pag tugon at sustain. pero sa maling aspeto yan tinitingnnan ng iba na hndi na uunawaan ang dahilan. kya inuulit ko. ang pag aasawa ng higit sa isa naming mga muslim ay karapatan lamang.. hndi obligasyon na kailanagang gawin. madiin kong ipina paunawa.. "karapatan" subalit hindi obligasyon na gawin. madami akong kilalang muslim na isa lang ang asawa. yung iba hindi man lng maka isa:) pero sa dakilang kadahilanan itinuro ng propeta. hanggat maari kung kukuha ng pangalwa o pang 3rd at pang 4th na asawa ang isang lalakeng muslim? hndi dapt dito pairalin ang libido o personal na interes. ito ay dpt gawin para sa allah. meaning. hanggat maari. piliin ang ilang balo o widow, upang sila ay mag karon ng ka agapay sa buhay. piliin ang mahirap o salat, upang sila ay mag karoon ng ka tulong sa pag tugon sa pangangailanagn. at hanggat maari, piliin ang dukha o walang ka agapay. upang sila ay mag karon ng taong masasandalan sa oras ng pangangailanagan. pero kung mag aasawa ng hgit sa isa ang isang lalakeng muslim ng ayun lng sa kanyang kagustuhan, pero hndi naman kayang tugunan sa pinansyal at pisikal na pangangailanagan ang mga asawa at tanging libido lng ang mithiin pero gugutumin ang pamilya at hndi mabibigyan ng pantay pantay ang bawat isa? itoy maari nyang magawa dahil s akanyang karapatan. pero ihanda din nya ang kanyang sarili dahil ito ay tutuusin ng allah sa pag wawakas at kanyang pag babayran.
Last edited by concepab on Mon Jan 28, 2013 6:12 pm; edited 1 time in total
concepab wrote:Walang masama kung mag-mamahal tayo, pero kung ito ay makaka-sira ng isang Pamilya lalo pa at may mga bata na mapapabayaan, dun na naiiba ang storya.
Lagi nga sinasabi ng Lolo, “Always put yourself in other people's shoes. If you feel that it hurts you, it probably hurts the person too.”
Free Legal Advice Philippines » FREE LEGAL ADVICE » FAMILY AND MARRIAGE » bakit msama s mata ng tao ang kabit
Similar topics
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum