3 years na po kami ng common law husband ko. May anak po kami 1 year old at buntis po ako sa kasalukuyan. Today, nalaman ko po na married na pala yung partner sa isang Japanese. Habang nasa Japan po sya once in a while umuuwi po sya dun sa bahay ng japanese ang ang pakilala po niya sa akin ay kapatid na nya dahil bilang adopted daw siya ng pamilya. Only to find out po na asawa pala nya yung babae. Pag umuuwi po sya dito sa Pilipinas madalas pong tumatawag yung babae na asawa po pala niya. Japanese po ang lengwahe nila kaya hindi ko naman po naiintindihan ang pinag uusapan nila.
Ano po bang kaso ang pwede kong i-file sa partner ko? Meron po bang batas para dito sa problema ko? May mga naipondar po kaming property ng partner ko gaya ng lupa at sasakyan. Since married po sya ano po ang magiging habol namin dito ng mga anak ko? Maliban po jan may apat pa po syang anak sa ibat ibang babae na kamakailan ko lang din po nalaman dahil dinedeny nya po sa amin ng pamilya ko.
Sana po makakuha ako ng payo galing sa inyo.