Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

TUNGKOL SA RA 9262 (vawc)

Go down  Message [Page 1 of 1]

1TUNGKOL SA RA 9262 (vawc) Empty TUNGKOL SA RA 9262 (vawc) Fri Jan 09, 2015 6:18 pm

karl rove

karl rove
Reclusion Perpetua

Anong Akto Ang Sinasangga Ng Batas?

Ang batas ay nagbibigay proteksyon laban sa anumang aktong ginawa ng sinuman laban sa isang babae na:

1. kanyang asawa o dating asawa;
2. mayroon o nagkaroon siya ng sekswal na relasyon o “dating relationship”; o
3. ina ng kanyang anak.

May proteksyon ding ibinibigay sa anak ng babaeng nabanggit sa itaas, lehitimo man o hindi:

1. na ginawa sa loob o sa labas ng tahanan;

2. na nagresulta o maaaring magresulta sa: pisikal, sekswal o sikolohikal na pinsala o paghihirap, pinansyal na pang-aabuso, pananakot na gawin ang mga nabanggit, pambubugbog, pananakit, pamimilit, panggugulo o pagkait ng kalayaan.

Magbigay ng halimbawa ng mga karahasang labag sa batas.

1. Pisikal na Karahasan: pananakit sa katawan o pisikal na pananakit.

2. Sekswal na Karahasan: mga aktong likas na sekswal; kabilang ngunit hindi takda sa mga sumusunod:

1. panggagahasa;
2. sexual harassment;
3. kalaswaaan o acts of lasciviousness;
4. pagtrato sa babae o kanyang anak bilang sekswal na bagay o sex object;
5. paggamit ng mga salitang nakakapahiya o nakapanlilit, at mga salitang malaswa;
6. pisikal na pananakit sa maseselang bahagi ng katawan ng biktima;
7. pamimilit sa kaniya na tumingin o manood ng mga malalaswang babasahin o palabas;
8. pamimilit sa biktima o sa kaniyang anak na gumawa ng mga malalaswang gawain at/o gumawa ng malalaswang pelikula;
9. pamimilit sa babaeng asawa at kalaguyo/kabit na tumira sa kanilang bahay o parehong matulog sa iisang kuwarto kasama ang akusado;
10. pagpapagawa sa biktima, sa pamamagitan ng puwersa, pananakot o pamimilit, ng gawaing sekswal; at
11. pagsadlak sa babae o sa kanyang anak sa prostitusyon.

3. Sikolohikal na Karahasan: mga gawain o di-paggawa na nagdudulot ng paghihirap sa isip o damdamin ng biktima, kabilang na, ngunit hindi limitado sa mga sumusunod:
pananakot;

1. panggugulo;
2. pagmamanman o stalking;
3. paninira ng ari-arian;
4. pamamaliit sa publiko o pamamahiya;
5. paulit-ulit na pang-aabusong sa pananalita;
6. pangangaliwa;
7. pagpapakita o pagpayag na makita ng biktima ang pang-aabusong pisikal, sekswal o sikolohikal sa isang kapamilya;
8. pagpapakita o pagpayag na makita ng biktima ang anumang uri ng pornograpiya;
9. pagpapakita o pagpayag na makita ng biktima ang pang-aabuso sa alagang hayop; at
10. hindi makatuwirang pagbabawal o pagkakait ng karapatang pangalagaan o bisitahin ang mga anak ng biktima at ng may-sala.

4. Pinansyal na Pang-aabuso: mga gawain na nagiging sanhi upang maging pala-asa ang babae ukol sa pananalapi, katulad ng, ngunit hindi limitado sa mga sumusunod:

1. pagbawi ng sustentong pinansyal;
2. pagbabawal sa biktima na pumasok sa lehitimong propesyon, trabaho o negosyo o gawain (maliban kung tumanggi ang asawa batay sa katanggap-tanggap, seryoso at moral na dahilan);
3. pagkait ng kakayahang pinansyal at right to conjugal, community or property owned in common;
4. paninira ng mga kagamitan sa bahay; at
5. pamamahala sa sariling pera o propyedad ng biktima.

Sana ay magabayan o maliwanagan ang mga taong humaharap sa mga isyo tungkol sa pagpapatupad ng VAWC.

Atty Karl Rove



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum