Naghati po kami sa mga bata. ung nasa akin po walang sustento. ang katwiran po ng mommy nya may trabaho naman ako kaya hindi na sila nagbibigay ng sustento. sa mommy po nya sya nagpapadala ng pera para sa mga batang nasa kanya.pinipigilan din po nilang lumapit ang mga bata sa akin sabi nila kung lalapit ang mga anak ko ipapakulong nila ako kaya po natatakot ang mga anak kong 8yrs old at 10yrs old na nasa pangangalaga ng mommy nya. kung anu-anong paninirang puri din po ang kinukwento ng mommy nya tungkol sa akin na hindi nman totoo. gusto ko na pong lumaya sa walang kwentang kasal na ito. noong 2005 hindi nmn nya sinabing ikakasal kami.bigla nalang kami nag punta sa isang opisina ng konsehala sa Manila City hall at nagulat ako ikakasal na pala kami nun. naka register po sa NSO ang kasal namin. Talagang sa sitwasyong ito lugi ang mga babae dahil hindi kami pwedeng magmahal uli at nakatali pa ako sa isang kasal na wala namang silbi. pwede pa kaming idemanda kung nagkataon. sa ngaun po mag ko convert ako sa Islam at gusto ko malaman kung pwede ko sya i divorce sa pamamagitan ng sharia law.