Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Please in need of legal advice my family is being harassed

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

splendagomez


Arresto Menor

Hi, May tanong lang po ako. Nagrerenta po kami ng isang bahay. Namatay ang may-ari (Husband and Wife). Hindi po na namin makita ang unang kontrata. May limang tagapagmana. Hindi ko po puwedeng pangalanan. Kaya A, B, C, D and E. nalang ang ipapangalan ko. Si A po ang kanilang ginawang tiga pamahala ( with SPA) sa naiwan na estate ng namatay. Kaso, ngayon itong si B ay dinimanda si A dahil hindi daw ibinibigay ang kita ng  estate sa kanilang apat. Tapos tinatakot  kami na kasama daw sa idedemanda. dahil sa pagbibigay ng pera kay A. Dapat daw ay pumirma kami  sa kontrata sa kanya (B). Tama po ba na pumirma kami sa kontrata sa kanya? Ang Property ay nakapangalan pa po sa dating may-ari. Nag-extra judicial settement daw  sila. Wala naman siyang maipakitang document na siya na ang appointed na tagapamahala at ang kopya ng demanda at siya lang ang nagrereklamo ay at wala naman ang tatlo pa..  Sana po ay masagot ninyo po agad ako dahil sa madalas nangungulit  ang taong ito. Salamat po. Smile

karl rove

karl rove
Reclusion Perpetua

splendagomez:

Magbayad ka sa may hawak ng SPA, dahil sa batas siya ang binagyan ng karapatan para maging tagapamahala.

Ang problema nung lima ay hindi mo problema, hanggat nakakabayad ka. Kumuha ka lang palagi ng kaukulang resibo kapag ikaw ay nagbabayad.


Wag kang matakot kay B, bluff lang yun (marami kasing bluffer eh, pero hanggang bluff lang naman) anyway, kung nawawala ang kopya mo ng kontrata, mmari kang lumapit kay A na tagapamahal at manggawa uli kayo ng kontrata ayon sa napagkasunduan na terms and conditions nung nabubuhay pa ung namatay na may - ari.

About the extra-judicial settlement, hindi mo rin problema yun, concern yun nung lima. Kung walang maipakitang dokumento si B, wag mong intindihin yan at pulos hangin ang laman ng utak nya at baka madamay ka pa sa kabulastugan nyan.

Makipag ayos ka kay A.

karl rove

karl rove
Reclusion Perpetua

splenda:

Nasagot ko na sa email ung tanong mo. Salamat sa pagtitiwala.
Papuntahin mo na lang sa aming tanggapan yung pinsan mo.
Pag hinaras pa kayo, sa NBI na ang punta natin.
tnxs

splendagomez


Arresto Menor

Salamat po. Medyo may problema po lang sa pagpunta niya sa inyo. Hindi po siya nakakabiyahe ng malayo. Dahil sa sakit niya.  Sa Quezon City po siya nakatira.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum