kasal po ako sa asawa ko ng 10 years may 6 kaming anak. nanlalalaki po ang asawa ko pero wala po akong abidensya kaya di ko po sya makasuhan. dumating po sa point na nasaktan ko po sya physically, nagpa medico legal po sya at sabi nya ay nag file daw ng case at sa isang salita nya lang daw ay iproproceso daw ito (pano po un? waiting file?) lahat po ng aking naipong gamit at lahat po ng aking naipong pera ay tinangay nya po, at bilang seaman may nakukuha po syang pera sa akin. pero dahil tiwala ako dati sa kanya lahat ng mga bank accounts ko ay alam nya at may karapatan syang magwithdraw mula duon. so basically 100% ng salary ko ay nakukuha nya. ngayon po habang ako ay nasa laot ay umalis po sya sa bahay namin at tinangay lahat ng aking anak at mga kagamitan. damit lang po ang itinira nya sa akin. may mga sulat at text ako narerecieve mula sa kanya na humiwalay na po sya at wag ko daw po sya hahanapin o pupuntahan dahil itutuloy nya daw po ang kasong VAWC sa akin. ngayon po na nasa pinas po ako ay panay ang pananakot nya na isasampa daw nya ung kaso pagdi ako nagbigay ng pera (sustento). pano ko mabibigyan ng pera kung 100% ng sinahod ko nung nasa barko ako ay nakuha na nya. masyado nya po akong binablack male. gusto ko sana na maging legally separated kami kaso po ay tinatakot nya din po ako na itutuloy na ung VAWC pag nagfile ng legal separation.
alam ko po na kasalanan ko po lahat ito kung bakit nagkaganito ang buhay ko. pero meron po ba akong magagawa? ano po ba ang mga legal na paraan para maayos ko ang lahat ng ito? sana po ay matulungan nyo po ako.
Maraming salamat po